05/10/2025
๐๐๐๐๐๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐
โ๐ป Merry Cris Ecol
๐ผ๏ธ Wiency Andrei Mondejar
โBzzz! Bzzz! Bzzz!โ Ang tunog ng orasan ay umalingawngaw sa mapayapang kwarto. Sa tabi, maririnig ang paghihimutok niya. Kasabay ng pagbuntong-hininga ay ang pagpatay niya sa kanyang orasan, โAhhh, Lunes na naman at panibagong pagsubok na namanโ aniya, halatang pagod at kulang sa tulog.
Nagbihis, kumain, at inayos niya ang kanyang gamit upang makaalis na sa bahay. Pagtungtong sa mahiwagang tarangkahan ng paaralan, โSa wakas nakarating rin,โ bulong niya sa sarili, habang naka ngiting pilit. Papuntang silid-aralan, dinig na dinig niya ang umalipawpaw na pagbati ng mga mag-aaral sa kanilang pangalawang mga magulang. โHappy Teacherโs Day po, maโam!โ aniya ng isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang.
Doon niya biglang naalala โTeacherโs Day pala ngayong araw at bibili pa sana siya ng bulaklak upang ipamimigay sa kanyang mga g**o.
Samantala, sa isang kwarto ng paaralan, ang tunog ng mga hikab at banayad na kaluskos ng mga papel ay umalingawngaw sa okupadong silid-g**o. Ang mga g**oโy abala at tila walang alam na sila ang bida ngayong araw, sa kadahilanang parang bang bukid na tumpok-tumpok ang kanilang gawain at aasikasuhin.
โNakakapagod naman ng mga gawain, dagdag pa diyan ang konti lang ang tulog,โ aniya ng isang g**o kasabay ang malalim na paghinga. โTok-tok-tok,โ katok ng isang punong g**o sabay ng pagbati, โHappy Teacherโs Day, maโam! Nais ko sanang ibigay ang mga gawaing ito,โ binalot siya sa hinagpis at hindi mapigilan ang paghulagpos ng mga luha ng g**o dahil lupaypay pa ito. Matapos ang ilang segundo, ipinipid niya ang sarili, โHindi, kailangan kong harapin at tapusin ang aking gawain dahil para ito sa mga anak ko dito sa paaralan.โ
Samantala, paglabas sa trangkahan, sinalubong siya ng mga maririkit na bulaklak at malinamnam na tsokolate. Binilisan niya ang kilos at agad na nagsimulang maghanap ng ipamimigay sa kaniyang mga g**o.
Pagpasok niya muli sa paaralan ay bumilis ang hakbang ng kaniyang mga paa bitbit ang mga bulaklak papunta sa kanilang silid-aralan. Pagtungtong ng mga paa sa kwarto ay dali-dali siyang umupo.
โMagandang araw po maโam and Happy Teacherโs Day!โ Bati nila sa g**o, habang pinagmamasdan niya ang mukha nito na tilang bang binagsakan ng ilang libro. โMaraming salamat mga anak, umupo na kayo at tayoโy magsisimula ng ating aralin,โ matapos ang ilang minuto nagbigay ng gawain ang kanilang g**o dahil masama na ang kaniyang pakiramdam.
Sa puntong ito, habang gumagawa sila ng kanilang gawin, napansin niya ang paglulumo ng g**o habang naka-upo sa lamesa, โ Maโam okay lang po ba kayo?โ tanong niya, โHa? Oo anak okay lang akoโฆtapusin niyo na ang inyong gawain,โ hindi kumbinsado ang bata at napag-isipan niya na ibigay ang bulaklak upang maghandog liwanag sa g**o. โMaโamโฆ bulaklak po. Maraming salamat sa lahat ng dedikasyon at pagtuturo niyo sa amin, kahit mas pinipili mo pa rin kaming mga mag-aaral kahit masama ang iyong pakiramdam,โ aniya sa g**o, habang puno ng ngiting abot-tenga at mga matang singningning ng taos-pusong pasasalamat.
Hawak niya ang isang munting palumpon โ isang simbolo ng pagkilala sa isang pusong patuloy na nagbibigay, kahit pagod, kahit may sakit, kahit minsan ay hindi napapansin.
Tahimik na kinuha ng g**o ang bulaklak, tila ba sa bawat talulot ay naroon ang bawat sakripisyong hindi kailanman hiniling ng kapalit. โMaraming salamat, anak,โ sagot ng g**o, halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa simpleng kilos at salita ng isang mag-aaral, nadama niya ang testimonya ng isang tunay na bayani sa pagtuturo โ isang paalala na ang kanyang pagod ay may saysay, at ang kanyang puso ay patuloy na nagbibigay liwanag sa iba.
Ang Teacherโs Day ay testimonya na sa likod ng pisara, lesson plan, at mga pagsusulit ay isang taong tahimik na naglilingkod โ ang g**o. Hindi lamang siya tagapagturo ng aralin, kundi tagahubog ng dangal, pangarap, at kinabukasan. Sa bawat araw na pinipili niyang magturo kahit pagod, sa bawat sandaling inuuna niya ang kanyang mga estudyante kaysa sa sarili, ipinapakita niya ang tunay na kahulugan ng paglilingkod at pagmamahal.
Hindi madali ang pagiging g**o. Ngunit sa bawat ngiti, bawat munting โsalamat po,โ at bawat tagumpay ng kanyang mga estudyante, muling nabubuhay ang kanyang alab bilang bayaning g**o.
Happy Teacherโs Day!