05/09/2024
Hindi ko lang din lubos maisip at hanggang ngayon tinatanong ko si Lord, baket ako binigyan ng lahat ng meron ako, akala ko sinilang akong mahirap, mamatay na din akong mahirap, kasi hindi naman ako nakatapos ng pag aaral eh! Pero ito ako ngayon nagawa at nakayang magpatakbo ng ilang negosyong yung ilan hindi alam ng lahat na kinayang kong ipundar,syempre kasama ko mahal ko sa buhay ha! Hindi lang ako. Shineshare ko sa inyo ito kasi gusto ko madaming gaya kong ang ugat ay mahirap na may pag asang mabago at umunlad ang buhay gaya ko. Pero hindi madali ha! Binabalaan ko kayo sobrang hirap lalo na sa narasan ko this past few years and months napakadaming betrayal, at panloloko akong naranasan sa ilang negosyong pinaghirapan ko ang ilan pinakamalalapit talaga sa puso ko na sa kagustuhan siguro umunlad gaya ko sila mismong tinulungan ko isama sa negosyong meron ako ay isa sa pinag interesan ang meron ako, pero ganun talaga ang buhay lahat naman siguro gustong umunlad ang pinagkaiba lang siguro namen, ako umunlad sa pagsisikap at hanggang ngayon nakaya ko panindigan na “Ako ang magcocontrol sa pera at hindi pera ang magcocontrol saken kasi ako ang may puso at isip, ang pera materyal lang naman yan. Iyon siguro ang malaking kaibahan ko sa halos lahat ng bago pa lang umuusbong sa linya na meron ako. Aaminin ko sa sakit na naranasan ko may ilang napabayan akong negosyo, may ilang nawalang client, ilang taong kailangan kong bitawan, pero ganun ata talaga eh! Iba pag alam nila paano ka magtrabaho hahanap hanapin ka nila, Handa na ako tumigil magfocus na lang sa Resort pero ito talaga ata nilaan saken ni Lord. Ang maging makabuluhan pa sa madaming tao na need ako sa negosyo. At sa mga taong nakatanaw at gusto ako gayahin kahet agawan pa ng paulit ulit wag kang mahiyang magtanong, napatawad ko na kayo at masaya ako, na ako ang naging daan sa pagunlad nyo, at ito ang ilan pa sa hindi nyo alam na negosyo ko by the way nagrurun pa din ang ilan dyan sobrang lakas ko kay Lord 3 years akong tumigil sa ilang linya ko pero I’m still here oh! Nakatayo at matatag open pa din ako turuan kayo kung gusto nyo pasukin ang linya ng Resort, Shuttle Service, Construction, Fabrication, at baka gusto nyo din magtrucking business usap tayo. Handa akong isama kayong umunlad pero dapat may puhunan kayo hindi na kasi ako nagpapautang 😁. Masyado na akong tumigas ang loob sa pautang na yan. Basta ito lang mapapayo ko ng todo maging mabuting tao ka lang. Si Lord hindi ka nya talaga pababayaan laban lang ng laban sa buhay.