11/11/2024
PUHON, PADAYON
𝐇𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐰𝐢𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝟏𝟏 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚'𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨; 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝟱 𝗺𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗴𝘂𝗶𝘄𝗶𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗛𝗘𝗦) 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝘀𝘁𝗼, 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝘀𝘁𝗼, 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹-𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀, 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝘀𝘁𝗼, 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹-𝗕𝗼𝘆𝘀, 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗱𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟰.
Muling nakipagtagisan ng husay, lakas, at determinasyon ang mga manlalaro ng HES sa ginanap na 𝘋𝘪𝘴𝘵𝘳𝘪𝘤𝘵 𝘈𝘵𝘩𝘭𝘦𝘵𝘪𝘤 𝘔𝘦𝘦𝘵 2024 sa Yawe Elementary School (Badminton), San Isidro National High School (Sepak Takraw, Table Tennis, at Chess), Danlagan National High School (Dance Sports), Brgy. Danlagan Court (Volleyball-Secondary), Brgy. San Isidro (Volleyball-Elementary at Billiards), Walay Covered Court (Basketball), at Santayana Elementary School, Unisan, Quezon (Athletics), Nobyembre 8-9.
Kampyeon ang HES Volleyball-Boys na kinabibilangan nina Alden S. Tabera, Jonnel C. Gonzales, Renzon R. Rodil, Crisben Jovan I. Iguiron, Francis Miguel A. Daria, Axel J. Labrada, Jerald G. Dela Torre, Lance Rupert N. Sulit, at Aldred Chie K. Viterbo sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang g**ong tagapagsanay na si Gng. Maela Margaritte M. De Leon, na inabot hanggang ikaapat na set laban sa Padre Burgos Central School sa iskor na 25-16. Nakamit naman ng Volleyball-Girls, na kinabibilangan nina Mary Joy G. Lomeda, Jamikka F. Rea, Regina Khate L. Sulit, Alexza I. Nuñez, Micaella Jane V. Ilag, Athena A. Santos, Rhiemz-Joy O. Serviano, at Aiezhia Jayne M. Sanchez sa ilalim ng kanilang g**ong tagapagsanay na si Gng. Dulce S. Urlanda, ang ikalawang pwesto laban sa Padre Burgos Central School. Samantala, nakuha rin ni Trixic S. Parco ang kampyeonato sa Chess habang sa ikatlong pwesto naman si Anne Dhy C. Vito sa 𝘊𝘩𝘢𝘮𝘱𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 at sa ikatlong pwesto rin si Raihan C. Rahman sa unang yugto ng laban. Sa athletics, nasungkit ni Aldred Lontoc ang unang pwesto sa 800-meter run at ang ikalawang pwesto naman kay Clave Terence C. Bernal sa 200-meter run. Nakuha rin ni Johan Kaisser M. Parco ang ikatlong pwesto sa High Jump.
Sa Badminton, pumatak sa ikalawang pwesto ang doubles-boys na sina Christopher I. Magnaye at Jude Aldrix D. Parco habang parehong sa ikatlong pwesto naman sina Akiessha J. Diaz (Singles A) at Angel Lavigne C. Amparo (Singles B).
Ipinamalas ng mga manlalaro ng Hinguiwin Elementary School, hindi lamang ang kanilang kaalaman at husay sa laro, kundi pati rin ang kanilang 𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘴𝘮𝘢𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 at 𝘤𝘢𝘮𝘢𝘳𝘢𝘥𝘦𝘳𝘪𝘦.