Philippine People's Press

Philippine People's Press The Official Page of Philippine People’s Press a Nationwide Digital News Publication and Newspaper Contributor based in Pagadian City.
(1)

The Most Trusted News and Current Affairs Network

🔗www.philippinepeoplespress.com

12/10/2025

CCTV FOOTAGE NG MANAY NATIONAL HIGH SCHOOL SA DAVAO ORIENTAL SA GITNA NG MAGNITUDE 7.4 NA LINDOL

Nakunan ng CCTV ang ilang bahagi ng Manay National High School sa Davao Oriental habang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol noong Biyernes, Oktubre 10, 2025. Makikita sa video ang matinding paggalaw ng mga gusali at pagtakbo ng mga estudyante at g**o palabas ng silid-aralan para sa kaligtasan.

📹 Manay National High School
🔗www.philippinepeoplespress.com

12/10/2025

'CONG. B**G SUNTAY, ITINANGGI ANG PAGGA­MIT NG V**E SA SESYON NG KAMARA'

Itinanggi ni 4th District Rep. B**g Suntay ang paratang na siya’y nag-v**e sa sesyon ng Kamara matapos kumalat ang video na tila may hawak siyang v**e. Giit niya, hindi iyon v**e kundi “Breatheasy” breathing aid na gamit sa relaxation.

Ayon kay Atty. Jesus Falcis na nag-post ng video, maaari pa rin umanong masaklaw ng RA 11900 o V**e Regulation Act ang naturang device kahit walang ni****ne.

📸 via House of Representatives of the Philippines
🔗www.philippinepeoplespress.com








**GSUNTAY

12/10/2025

'KANLAON VOLCANO, NAGBUGA NG ABO; ALERT LEVEL 2 NANANATILI!'

Namataan ngayong umaga, Oktubre 12, ang pagbuga ng kulay-abong usok mula sa bunganga ng Kanlaon Volcano, ayon sa PHIVOLCS.

Tinatayang tumagal ng mahigit 30 minuto ang ash emission mula sa summit crater. Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang may patuloy na aktibidad at posibilidad ng mga susunod pang pagbuga o minor na pagsabog.

Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan ang paglapit sa Permanent Danger Zone dahil sa panganib ng biglaang pagbuga ng abo at bato.








12/10/2025

TINGNAN || Magnanakaw sa Butuan, binuhat na parang sako matapos mahuling aktong nagnanakaw!

Naaresto ang isang lalaki sa Barangay Bonbon, Butuan City matapos mahuling nagnanakaw ng bronze sa gitna ng kaguluhan dulot ng lindol noong Oktubre 10, 2025.

Ayon sa mga residente, habang nagkakagulo ang mga tao dahil sa malakas na pagyanig, sinamantala umano ng suspek ang sitwasyon para magnakaw. Nahuli siya ng mga kapitbahay na agad siyang binuhat na parang sako at dinala sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

| Via Bombo Radyo
🔗www.philippinepeoplespress.com







12/10/2025

PANOORIN || Kinumpirma ni PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela na nagtamo ng bahagyang pinsala ang BRP Datu Pagbuaya matapos ang komprontasyon nito sa Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

| via PCG
🔗www.philippinepeoplespress.com








11/10/2025

VP SARA, IPINASA-DIYOS ANG ISYU NG KANYANG SALN MATAPOS HINGIN NG OMBUDSMAN REMULLA

“Ipasa-Diyos na lang,” ito ang naging tugon ni Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng isyung may kinalaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) matapos itong talakayin ni Ombudsman Remulla.

🔗www.philippinepeoplespress.com









11/10/2025

PANOORIN || Tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na ligtas at madaanan na ang lahat ng national roads sa Davao Region matapos ang sunud-sunod na lindol sa Davao Oriental. Nangako rin ang ahensya ng agarang tulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang local roads at public structures alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad maihatid ang tulong sa mga apektadong residente.

Via DPWH/Radyo Pilipinas
🔗www.philippinepeoplespress.com








11/10/2025

MGA IBON, NAGLIPARAN MATAPOS ANG 6.9 MAGNITUDE AFTERSHOCKS NA TUMAMQ SA ILANG BAHAGI NG MINDANAO!

Sa isang pambihirang tagpo, nakunan sa video ang mga ibong naglabasan matapos ang 6.9 magnitude aftershock na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao kagabi.

Ang naturang video ay kuha ni Welly Macabato sa San Francisco, Agusan del Sur. Matatandaan na niyanig kahapon ng umaga ang Davao Oriental ng magnitude 7.4 na lindol na naramdaman din sa ilang bahagi ng Mindanao.

🔗www.philippinepeoplespress.com







   || Dumating sa Manay District Hospital sina DPWH Sec. Vince Dizon, DepEd Sec. Sonny Angara, DSWD Sec. Rex Gatchalian,...
11/10/2025

|| Dumating sa Manay District Hospital sina DPWH Sec. Vince Dizon, DepEd Sec. Sonny Angara, DSWD Sec. Rex Gatchalian, at MinDA Chair Leo Magno upang inspeksyunin ang kalagayan ng mga pamilyang apektado ng lindol.

📸: DSWD-XI




11/10/2025

TINGNAN || VP SARA, DUMATING SA MATI, DAVAO ORIENTAL UPANG BISITAHIN ANG MGA NAAAPEKTUHAN NG LINDOL!

📹 Rona Mae
🔗www.philippinepeoplespress.com






11/10/2025

PANOORIN || Nagpalitan ng water cannon ang Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) sa isinagawang joint maritime firefighting simulation exercise sa Carcar Bay kahapon, Oktubre 10.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon at kahandaan ng dalawang bansa sa pagtugon sa mga insidente ng sunog sa karagatan.

| video Courtesy to PCG
🔗www.philippinepeoplespress.com






  || LINDOL, DI NAKAHADLANG SA PANATA NG PAG-IBIG; KASAL SA PANABO CITY, NATULOY PA RIN!Sa kabila ng lindol na yumanig k...
11/10/2025

|| LINDOL, DI NAKAHADLANG SA PANATA NG PAG-IBIG; KASAL SA PANABO CITY, NATULOY PA RIN!

Sa kabila ng lindol na yumanig kahapon ng umaga, itinuloy pa rin ang kasalan ng apat na magkasintahan sa labas ng Panabo City Hall sa Davao del Norte. Ayon sa Panabo City Government, matagumpay na nagpalitan ng panata ang mga bagong kasal—patunay na kahit may pagyanig, di matinag ang tunay na pag-ibig. 💍❤️

Via || RMN Davao
🔗www.philippinepeoplespress.com




Address

Pagadian City
7016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine People's Press posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share