19/07/2022
bka po may mga gusto mag-avail ng scholarship
BASAHIN: ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก, ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐ ๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐-๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ช๐ร๐ข (๐ฃ๐ฃ๐ฃ)
Patuloy na tumatanggap ng mga iskolar ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweรฑo (PPP) o ang Medical Scholarship Program sa ilalim ng pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates.
Ayon kay Gng. Maria Victoria B. Baaco, Program Manager ng PPP, patuloy ang kanilang pagtanggap ng mga aplikanteng estudyante para maging iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan partikular ang mga nagnanais kumuha ng kursong medisina o iba pang medical related courses.
"Magpapatuloy po ang scholarship program sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Dennis Socrates kaya magpapatuloy din ang ating pagtanggap ng mga nais maging iskolar, lalo na at may aprubado ng ordinansa para sa pagpapatuloy ng programa", ani Baaco.
Matatandaang nitong nakalipas na taon ay inaprubahan ni dating Gob.Jose Ch. Alvarez ang Provincial Ordinance No. 2627 series of 2021 "Ensuring a multi-year budget of fifty million pesos (P50,000,000.00) per year allocation for the scholarship program of the Provincial Government of Palawan" upang masiguro na magpapatuloy ang programa.
Sa kasalukuyan ay may kabuuang pitong daan at dalawampu't isang (721) iskolars ang Pamahalaang Panlalawigan kung saan isandaan at tatlumpu't pito (137) sa mga ito ay kumukuha ng kursong medisina habang ang limang daan at walumpu't apat (584) naman ay kumukuha ng iba't-ibang medical related courses gaya ng Dentistry, Medical Technology, Pharmacy, Nutrition and Dietetics, Radio Technology, Physical Theraphy, Nursing, at Midwifery sa iba't-ibang mga pamantasan sa bansa.
Mayroon na ring apatnapu't apat (44) na mga iskolar na kumuha ng kursong medisina ang naging ganap nang mga doktor mula taong 2018 hanggang 2022 kung saan karamihan sa mga ito ay kasalukuyan nang naglilingkod sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't-ibang mga munisipyo sa Palawan.
Sa mga nagnanais na maging iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan, maaaring makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweรฑo sa kapitolyo at ihanda ang mga kinakailangang isumiteng requirements para sa pagproseso ng aplikasyon.