12/07/2025
MTFRB | LTO update
“Magandang araw po. Una maraming salamat sa pagpaparating ng inyong mga suggestion sa Tricycle, at sa mga gusto nyong pagbabago sa sistema. Pati na rin sa checkpoint, LTO , lisensya.
May nakatutok po jan sa mga hinanaing nyo, kahit sa facebook at mga comment. May nagrerecord nyan na staff ko. Mahalaga na tayo ay nakikialam sa mga ganitong problema ng bayan.
Sa ngayon, talagang nakatutok ang aming opisina sa pag resolba ng mga yan. Kasama ng aking mga Executive at Staff. Inatasan ko sila na magresolba ng isang problema kada linggo maliit man o malaki. Yan ang gusto kong accomplishment namn para may progreso naman tayo.
Sa totoo lang po, ang opisina po natin ay talaga nakikipag ugnayan sa kanila [LTO] para mapabilis ang proseso sa mga walang lisensya, renewal. Matagal na rin yan nirerequest ng ating butihing Mayor Lim at mga Sangunian Bayan.
Nagsulat na tayo ulit nakaraang linggo sa kanilang opisina, para sa pangmatagalang serbisyo dito sa bayan natin. Hindi kami magsasawang ulit ulitin ang request na to.
Sana mabigyan nila ito ng pansin, kasi talagang malaking tulong to sa mga kababayan natin. Kahit quarterly mobile offices, malaking tulong na yun.
Sa ngayon, panawagan ko sa mga kababayan kailangan po nting sumunod sa batas trapiko. Para sa atin rin naman to.
Kailangan natin ipatupad ang batas, para rin ito sa ikabubuti ng lahat para mabawasan natin ang aksidente sa El Nido at mga pasaway. Kung gusto nyo talaga mabago ang El Nido, gawin nyo po ang parte nyo, simulan nyo sa inyo bilang mamayan.
Salamat.”