10/03/2024
Departamento Ng pamatay Sunog o Bureau of Fire Protection sa munisipyo Ng Quezon, Palawan Aktibo ngaung Fire Prevention month.
Naranasan nio na ba ang masunugan?
Ito ang mariing tanaong ni Fire Officer Nico John c. Sarol Ng makapanayam siya Ng RMN Quezon Palawan .
Matatandaang ilang beses Ng nag champion ang team Quezon sa taun taong ginaganap na Fire Drill Competition sa ibat iBang panig Ng ating Bansa. Sa Programang Pag usapan Natin ni Melba Pagayona, hinikayat ni Sarol ang mga nakikinig na doblehin ang ingat Ng kwaresma na matindi ang init ngayong fire prevention month, dapat nating tandaan na Hindi biru ang masunugan. Totoo ang kasabihan ng matatanda na Hindi na baleng ilang ulit na manakawan, huwag lang masunugan, dagdag pa ni Sarol. Kanya ring ipinaliwanag na mag ingat na mapabayaan na bunutin ang mga CP charger, extension wire, appliances at iba pa kung Hindi Sila ginagamit. Kailangan ring huwag pabayaan ang mga nasindihang kandila, LPG sa panahon Ng brown out. Kapag may sunog impormahan ang mga Kasama sa Bahay, mga kapitbahay at agad na tawagan ang FIRE Department, at huwag unahin ang ifacebook live ang magaganap na sunog. Pwede po tayong magtulungan palagi sapagkat kami ay handang mag serbisyo sa panahon Ng sakuna pagwawakas Ng butihing fireman.
DWAR 103.1 RMN Quezon Palawan.
Pag Usapan Natin..
With Melba Pagayona