20/12/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ด๐ธ๐ผ๐ฝ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Idinaos ang PAGTUGKOP: The Humanities Days Celebration sa himnasyo ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Silangang Visayas sa Leyte (MPPA-KSVL) noong Disyembre 16-18, 2025, na may temang "Celebrating the harmony of Humanities and STEM."
Sinimulan ang pagdiriwang sa isang Eucharistic Celebration at pambungad na programa, kung saan nagsilbing pangunahing tagapagsalita si Bb. Ma. Stefanie I. Caintic, MBA, isang alumna ng MPPA-KSVL.
Sa kaniyang talumpati, tinalakay niya ang kahalagahan ng humanidades sa mga mag-aaral ng agham at kung paanong hindi dapat mapaghiwalay ang mga ito sa isa't isa. "Thinking is your superpower, and empathy is what gives that thinking meaning," ani Bb. Caintic.
Ipinagpatuloy ang pagdiriwang sa ikalawang araw sa pamamagitan ng Literary Musical Festival, kung saan lumahok ang mga mag-aaral sa ibaโt ibang paligsahan. Choral Echoes: Voices in Harmony para sa baitang 7, Green Couture: The Future in Fashion Form para sa baitang 8, SoundScapes: The Eco-Orchestra Challenge para sa baitang 9, Eco-Drama: A Musicale for Change para sa baitang 10, at Unplugged: Melodies for Mother Earth para sa mga baitang 11 at 12.
Sa pagdiriwang na ito, binigyang-diin na ang humanidades ay hindi isang larangang nasa anino ng agham at teknolohiya, kundi mahalagang pundasyon na nagbibigay ng saysay sa bawat tuklas, imbensiyon, at kaalaman. Ipinakita rin ng PAGTUGKOP ang kahalagahan ng pag-unawa at malasakit bilang kaakibat ng talino at pag-unlad.
๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ฏ๐ข๐ฉ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข, ๐๐บ๐ฌ๐ข ๐๐ฃ๐ข๐ณ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐จ๐ถ๐ฆ, ๐๐บ๐ณ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ด๐ข, ๐ข๐ต ๐๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ช๐ฆ ๐๐ถ๐ฏ๐ค๐ข๐ฅ๐ข
๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ | ๐๐ช๐ค๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐๐ข๐ญ๐ฅ๐ฐ ๐ข๐ต ๐๐ช๐ป๐ป๐บ ๐๐จ๐ฏ๐ฆ๐ณ