06/09/2025
Isang taon lang ang nakakaraan...
Pagod na pagod.
Puyat na puyat.
Halos nagkakasakit na sa hirap.
Masakit ang puso sa mga tinuring na kapamilyang nang iwan dahil nawalan ako ng oras...
At mga kaibigang bumaba ang tingin dahil binabanatan ko ung pangarap ko sa pagtitinda sa tabing kalsada.
Ngayon, may pwesto na... Magkakaron na ng pangalawa.
May mga bagong ng kaibigang tinuturing na pamilya.
May mga empleyado ng nagmamalasakit at pinagmamalasakitan din pabalik.
Mas masarap na ang buhay ko ngayon kesa isang taon na ang nakaraan.
Hindi pa milyonaryo, pero isang taon lang ang inabot may kalayaan na ako ng oras.
Nakita ng mata mo ito Pilipinas, at LAHAT ng kaya ko ~ Kaya mo rin.
Maaaring abutin ng dalawang taon, o tatlo, o lima ~ Pero wag mo sanang tanggaping habang buhay ka ng mahirap...
Kung sasabay ka lang sakin, makakarating karin! Wala kang babayaran.
Walang promote ng sugal, walang pera galing sa pulitiko, walang pagppromote ng bisyo o kahit anong ikasasama...
Purong paghahanap buhay, pagsisipag, pagmamahal sa kapwa, pagpupursigi, pagmamalasakit pagpapakatibay, pagpapakatalino, pagiipon at pagpupuyat lang sa mata ng publiko...
Oo pati mga katangahan at pagkakamali ko ipinapakita ko ~ Dahil hindi kumpleto ang pagtuturo kung hindi kasali ung mga pagkakamali.
(At ako lang ang kaisa isang sira ulong influencer sa buong Pilipinas na pati katangahan at kabobohan ko pinapakita ko matuto lang kayo ~ NG HINDI NAGPAPABAYAD)
Mabuting pangalan ay maiging piliin, kaysa malaking kayamanan.
Pilipinas, nakita mo na, sasabayan mo nalang! Tara sa magandang buhay! Sabay sabay na tayong:
Magpakatalino
Magsipag
Magipon
Hanggang makarating tayo ng magkakasama sa isang milyong piso.
Type: ~ Kung binasa mo ng buo.