24/08/2026
ππ’π§π π§ππ§ 1/3 || ππππ, π’ππ’π§ππ¨π¬ ππππ€ππ‘π¨π₯πππ«π¬ ππ’π π‘π β26
Ipinagdiwang ng Pambujan National High School (PNHS) ang Stakeholders Night and Induction Ceremony 2026 sa Municipal Auditorium na may temang βPagburubligay para sa Marig-on nga Kabubuwason san Kabataan.β
Tampok sa programa ang panunumpa at pormal na pagtatalaga sa mga bagong opisyal ng Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) at General Parent-Teacher Association (GPTA).
Kabilang sa mga isinagawa ang presentasyon at induction ng mga HRPTA officers mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Pinangunahan naman ng mga itinalagang inducting officers, kabilang ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at mga lokal na opisyal, ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal.
Nagbigay rin ng mensahe ang guest speaker na si Hon. Emil Nicholas Ongchuan II, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mabigyan ang mga estudyante ng pinakamagandang oportunidadβang makapagtapos.
βKinahanglan magburublig an eskwelahan, an mga kag-anak, an komunidad, at stakeholders ngan an aton gobyerno para mahatagan naton an aton kabataan san pinakamaupay nga oportunidadβ an makatampos,β ani Ongchuan.
Nagpaabot din ng kanilang mga mensahe sina Schools Division Superintendent Dr. Gaudencio C. Aljibe Jr. na ibinahagi Gng. Myra Bato, EPS, Municipal Mayor Hon. Owen Lamberto L. Siervo, at iba pang panauhing pandangal upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga magulang, g**o, at iba pang stakeholder sa pagpapaunlad ng paaralan.
Bukod dito, isinagawa ang turnover of key of responsibility, acceptance and inaugural address, at pagkilala sa mga natatanging stakeholder bilang bahagi ng programa.
Tampok din sa pagdiriwang ang Coronation Rites for βMost Popular Parents 2026,β kabilang ang paggawad sa mga nagwagi at royal walk.
Nagtapos ang programa ng social activities at curacha dance interpretation, na nagsilbing bahagi ng pagdiriwang at pagpapatibay ng ugnayan ng mga magulang, g**o, at iba pang katuwang ng paaralan.
Sinulat ni Michelle Dumalaon
Mga larawan nina Emiliaflor Regulacion, Keena Parane, Joie Tan, Verraina Jarito