
26/07/2025
Mga Star na Nagulat ang Lahat sa Pagbubuntis! 😍😍😍😮
Andi Eigenmann
Nabuntis si Andi Eigenmann sa edad na 21, at kalaunan ay kinumpirma na si Jake Ejercito ang ama ng anak niyang si Ellie. Ngayon, nakatira siya sa Siargao kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo at mga anak nila.
Jennylyn Mercado
Taong 2008 nang ianunsyo nina Jennylyn Mercado at dating nobyo na si Patrick Garcia na ipinagbubuntis ng Kapuso actress ang kanilang anak.
LJ Reyes
Taong 2010 nang aminin ni LJ Reyes na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino.
Sarah Lahbati
Noong 2014, nagulat ang publiko nang aminin nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang reality show na mayroon na silang anak.
Katrina Halili
Taong 2012 nang aminin ni Katrina Halili na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng singer na si Kris Lawrence.
Dina Bonnevie
Nabuntis si Dina Bonnevie ng kanyang love team at ex-husband na si Vic Sotto noong siya ay 19 years old pa lamang.
Kris Aquino
Sa edad na 23, nabuntis si Kris Aquino ng kanyang dating live-in partner at aktor na si Phillip Salvador.
Kylie Padilla
Ginulat ni Kapuso actress Kylie Padilla ang publiko nang ianunsyo niya na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Aljur Abrenica. Sa kanyang interview, inamin ni Kylie na hindi planado ang kanyang pagdadalang-tao.
Sofia Andres
Noong June 21, 2020, inihayag ni Sofia Andres na mayroon na siyang anak sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, isang Cebuano race car driver.
Ryza Cenon
Matapos ideklara ang sarili bilang "self-partnered," ginulat ni Ryza Cenon ang publiko noong July 1, 2020 sa pag-anunsyo ng kanyang pagbubuntis. Ipinanganak niya si Night Cruz noong October 31, 2020, ang anak nila ng partner niyang si Miguel Antonio Cruz.