19/09/2023
“Kumakapit parin”
Hindi mo alam minsan ang tunay niyang damdamin-
Mahal ka niya pero- parang alanganin,
Na baka mahal ka niya dahil nandiyan ka-
Na mahalaga ka kase kailangan kapa,
Inisip mo na baka ganoon lang talaga siya,
Hindi siya malambing sa tuwing may nakatingin na iba,
Baka guni-guni mo lang yun kawalan sa kanyang mga mata,
Na baka hindi naman talaga pag-ibig ang kanyang dala.
Na baka pumasok lang siya sa buhay mo ng walang kasiguraduhan,
Bahala na ang bukas kung sinong unang lilisan,
Kaya Kumakapit ka parin sa mga ala-alang hatid,
Hindi mo alam ang bitbit nitong pait,
Palagi mong iniisip na baka siya nanga,
Ang hulog ng langit o baka ito ang pumunit sa-
Puso mong marupok na akala lahat ng pag-ibig ay masaya,
Na may panahon ding maiiwan kang mag-isa,
Pinilit mong intindihin at mahalin ang buong pagkatao niya,
Na kahit ang kape ay mahihiyang ipaglaban ka-
Dahil siya na ang kusang sumusuko,kumakapit kapa,
Tahan na,wala na talagang pag-asa,
Kundi,ang bitawan na at lumaya sa mapait na tadhana-
Na hindi lahat ng mahal mo ay mamahalin ka,
Hindi lahat ng iningatan mo ay mananatili pa,
At hindi mo na kailangan lumaban dahil hindi ka madirigma kundi dahil isa kang prinsesa.
Sulat ni:Joanna
Larawan mula sa Pinterest.