Takip-Silip

Takip-Silip Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Manay

Unang hakbang para sa inaasam na panalo sa NSPC 2025 🙏  -Silip
05/10/2024

Unang hakbang para sa inaasam na panalo sa NSPC 2025 🙏
-Silip

Tingnan. Matagumpay ang idinaos na pagpupulong ng mga Panabo Secondary School Heads Association (PASSHA) at mga Boy Scou...
24/09/2024

Tingnan. Matagumpay ang idinaos na pagpupulong ng mga Panabo Secondary School Heads Association (PASSHA) at mga Boy Scout coordinators ng bawat paaralan para sa gaganaping Division wide joint BSP Camporee at GSP encampment kanina sa Mataas na paaralang pambansa ng Manay.

Nanguna sa nasabing pagpupulong si Ginoong Manuel Esperanza, Principal III ng Panabo City National High School at president ng PASSHA upang pag-usapan ang pagbabagong mangyayari sa darating na gawain.

Dumalo rin sa espeyal na araw si Ginoong Celestino Revamonte, kasalukuyang BSP coordinator ng dibisyon na nag-iwan ng mensahe kanina sa kanyang nalalapit na pag-iwan sa grupo dahil sa kanyang retirement.

Sa likod ng makabuluhang pagpupulong ang punong-abala ng Manay NHS si Gng. Edarlina C. Bitang na siyang buong galak na tinanggap ang imbitasyon na sa bulwagan idaos ang pagpupulong.

Palakasin pa ang pagbasa at kakayahan ng mag-aaral, target ng bulwagan ngayong panuruang-taon, Mayor Relampagos, namahag...
29/07/2024

Palakasin pa ang pagbasa at kakayahan ng mag-aaral, target ng bulwagan ngayong panuruang-taon,
Mayor Relampagos, namahagi ng libreng lugaw sa pagbubukas ng klase

Makulay at maingay na sinulubong ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Manay ang pagbubukas ng panuruang taon 2024-2025 ngayong araw July 29, 2024 kasabay ang implementasyon ng MATATAG curriculum.

Dumalo sa opening program si Panabo City division PSU head Jeneces Grace L. Lamoste-Bucan
Administrative Officer II
Head, Payroll Section Unit at Brgy. Manay Sangguniang Kabataan Chairman Kenneth John Pungay kasama si Gng. Marly Bonifacio, School-PTA President.

Namahagi ng libreng lugaw(arozcaldo) si honorable City Mayor. Jose E. Relampagos sa mga mag-aaral sa kanyang programa Pa-arozcaldo ni Joe.

Layon ng paaralan na mas palakasin pa ang program sa pagbasa, matematika lalo na sa mga gawaing lakip ang kakayahan ng mga bata sa pagsulat maging sa isports sa pangunguna ni Gng. Edarlina C. Bitang, school-in-charge.

06/07/2024

Best of luck Region XI journalists who will compete in the National Schools Press Conference 2024 Cebu City 😇🙏

Nagsimula na ang unang araw ng enrolment para sa panuruang-taon 2024-2025 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Manay, Huly...
03/07/2024

Nagsimula na ang unang araw ng enrolment para sa panuruang-taon 2024-2025 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Manay, Hulyo 3, 2024.

Kasabay rin sa pagsisimula ng enrolment ang kick-off ng National Learning Camp (NLC) program na pinangunahan ni Gng. Anjelie R. Cabrestante, g**o ng bulwagan.

Sulat ni: Kessiah S. Rubi
Larawan: Mhekyla Shane L. Bacolod
Ginoong Felmar M. Marces

03/07/2024

HEADS UP Batang Manay
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Manay ay naghahanap ng mga manunulat sa panuruang-taon 2024-2025.
PAGSULAT NG BALITA
PAGSULAT NG LATHALAIN
PAGSULAT NG KOLUM
PAGSULAT NG EDITORYAL
PAGGUHIT NG KARTUNG EDITORYAL
PAGWAWASTO NG SIPI AT PAG-UULO NG BALITA
PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
PAGSULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Maaring magkomento dito sa post or magmensahe kay Ginoong Kevin John M. Morales sa kanyang fb account
MARAMING SALAMAT

Address

Prk. 7 Brgy. Manay
Panabo City
8105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Takip-Silip posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Takip-Silip:

Share

Category