27/03/2023
To vloggers pushing their followers na magsugal para may comission sila sa taya.
Yes you are all wrong.
Naintindihan natin yung gustong magsugal, buhay nila yun, pero yung kukumbinse ka ng libo libong tao na magsugal din sila ay iba na po yun.
Paano ba umasenso ang Singapore, Korea at Japan?
Thereβs no such thing as easy money.
Sa kanila ay mindset ng pagsusumikap at disiplina.
Kung libo libo tayong vlogger tapos papakita natin na umasenso tayo sa sugal, ilang milyong kabataan ang sisirain natin ang mindset? Kawawa naman ang Pinas.
Yung naging kilalang vlogger ka, di yan madali, yan ay halimbawa ng disiplina at pagtitiis.
Ang gandang halimbawa mo na sana, tapos yan papasok ka sa sugal?
Inspirasyon ka na sana ng mga tao, tapos sugal is the key lang din pala?
Tayo na ang mga bagong celebrity. Mas nagvaviral pa nga kaysa sa mga tunay na artista.
Inspiring nga eh. Kasi walang malinaw na director, walang malinaw na staff pero maraming napasaya.
Pero ang kaibahan ng tunay na artista alam nila na may social responsibility sila, alam nila sikat sila at alam nilang pwede silang maka impluwensya ng kamailan sa madami, kaya ingat sila.
Pero anong kalabasan natin nito? Mas viral nga tayo kaysa artista, mas marami naman tayong ipapahamak na buhay dahil di tayo ingat basta magkapera lang.
Dr. Mata
Pediatrician