14/05/2026
🤞🥹
Ang sakit sa dibdib yung ang dami mong gustong gawin para sa kanila,
pero hanggang plano ka muna.
Gusto mo silang ipasyal.
Gusto mo silang bilhan ng masarap na pagkain.
Gusto mo silang dalhin sa lugar na hindi nila napuntahan
dahil buong buhay nila,
tayo ang inuna nila.
Gusto mo sanang sabihin,
“Ma, Pa, pahinga na kayo.
Ako naman.”
Pero kapag tiningnan mo ang laman ng wallet,
kapag binilang mo ang mga bayarin,
kapag inisip mo ang sariling responsibilidad,
bigla kang tatahimik.
Mahal mo sila.
Gustong-gusto mong bumawi.
Pero kulang pa.
At minsan, doon mas mabigat.
Hindi dahil wala kang pakialam.
Sobra nga eh.
Sobrang gusto mong ibalik kahit konti
yung mga taon na sila ang nagtiis para sayo.
Yung mga panahong sila ang hindi bumili ng bagong damit
para ikaw ang may gamit sa school.
Sila ang nagtipid sa pagkain
para ikaw ang mabusog.,
Sila ang nagpanggap na okay lang
kahit alam mong pagod na pagod na sila.
Tapos ngayon,
ikaw naman ang may gustong magbigay,
pero pera ang humaharang.
Kaya minsan nakakainggit yung mga anak na kaya nang sabihin,
“Ma, tara kain tayo sa labas.”
“Pa, ako na bahala sa gamot mo.”
“Huwag na kayong mag-alala, sagot ko na.”
Kasi gusto mo rin yun.
Pangarap mo rin yun.
Hindi para magyabang.
Hindi para may maipost.
Gusto mo lang maramdaman nila
na hindi nasayang lahat ng pagod nila sayo.
Pero habang hindi pa kaya,,.
lumaban ka pa rin.
Huwag mong hayaang kainin ka ng guilt.
Huwag mong isipin na wala kang kwenta
dahil hindi ka pa nakakabawi sa pera.
Minsan, ang kaya mo muna ngayon
ay kumustahin sila.
Dalawin sila.
Kausapin sila.
Tulungan sa maliliit na bagay.
Iparamdam na hindi sila nakalimutan.
Dahil sa magulang,
malaking bagay na rin yung anak na hindi lumalayo
kahit wala pang malaking maibigay.
Pero sana, huwag tayong tumigil mangarap.
Darating din yung araw
na hindi na puro “pasensya na” ang masasabi natin.
Darating din yung araw
na kaya na nating bumili ng gamot nang hindi kinakabahan.
Kaya na nating mag-abot nang hindi binibilang ang natira.
Kaya na nating dalhin sila sa lugar na dati,
pinapangarap lang nating mapuntahan kasama sila.
Gustong-gusto nating bumawi sa magulang,
pero pera ang kulang.
Kaya habang kulang pa,
magsikap tayo.
Habang may oras pa,
magparamdam tayo.
Habang nandyan pa sila,
huwag nating ipagpaliban ang pagmamahal
dahil hinihintay pa nating yumaman.
Kasi baka sa kakahintay natin ng malaking maibigay,
makalimutan nating may maliliit na bagay
na pwede na nating ibigay ngayon.
Oras.
Respeto.
Lambing.
Pagbisita.
Isang maayos na tawag.
Isang simpleng,
“Ma, Pa, salamat sa lahat.”
Sa totoo lang…
marami sa atin ang gustong-guto bumawi.
Lumalaban lang tayo araw-araw
para dumating yung panahong
hindi na pera ang kulang
sa pagmamahal na matagal na nating gustong ibigay.