16/04/2025
Maligayang Kaarawan, Mayor Rico Roque!
Bilang anak, hindi siya kailanman lumimot sa ugat ng kanyang pagkatao. Sa bawat tagumpay, inuuna pa rin ang pagbibigay-galang sa mga magulang. Sa mata nila, siya pa rin ang batang masipag mangarap at sa puso niya, sila pa rin ang kanyang unang inspirasyon.
Bilang haligi ng tahanan. Isang asawa at ama ng nag-iisang n'yang anak, siya ay matatag at punong-puno ng pagmamahal. Sa kanyang simpleng paraan, nariyan ang tiwala, ang pang-unawa, at ang paninindigan. Hindi man palaging sinasabi, ngunit ramdam sa bawat kilos ang kanyang pangakong βhinding-hindi ko kayo pababayaan.β Isa siyang katuwang na mapagkalinga, at ama na hindi lang nagbibigay kundi nagtuturo, gumagabay, at nagsisilbing buhay na ehemplo ng sipag, tiyaga, at kabutihan.
Bilang kapatid, siya ang sandalan. Laging nariyan kapag kailangan, tahimik mang kumilos pero palaging may ginagawa. Siya ang unang tatawag para magkumustahan, ang unang magpaplano ng simpleng salu-salo para muling mapaglapit ang lahat. Sa kanya, ang pamilya ay hindi lang koneksyon sa dugo ito ang pinagmumulan ng lakas, saya, at direksyon..
Bilang kaibigan, siya ay tapat. Walang halong pulitika, walang agenda. Sa oras ng problema, hindi mo na kailangang humingi ng tulong ramdam ka na niya. Hindi lang siya kasama sa tagumpay; siya rin ang kasama sa tahimik na gabi ng pangungulila.
At bilang lider, si Mayor Rico ay higit pa sa posisyon. Siya ang mukha ng malasakit, tinig ng pag-asa, at puso ng bawat proyektoβt programa. Hindi lang siya namumuno nagmamahal siya. At iyon ang dahilan kung bakit sumusunod ang tao: hindi dahil sa utos, kundi dahil sa tiwala.
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin hindi lang ang kanyang kapanganakan kundi ang buhay ng isang taong piniling maging ilaw sa maraming buhay.
Maligayang kaarawan, Mayor Rico.
Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa amin. Salamat sa iyong malasakit, dedikasyon, at walang sawang pag-aalaga sa bayan.