09/11/2025
Malacañang: Walang Pasok at Trabaho sa Ilang Rehiyon sa Nobyembre 10–11 Dahil kay Super Typhoon “Uwan”
Inanunsyo ng Office of the President sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 106 na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII sa Nobyembre 10, 2025 dahil sa inaasahang matinding epekto ng Super Typhoon “Uwan.”
Suspendido rin ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, kabilang ang Region VI, Region VII, at Negros Island Region sa Nobyembre 10 at 11, 2025.
Gayunpaman, ang mga ahensiyang may kinalaman sa kalusugan, kaligtasan, at mga pangunahing serbisyo ay mananatiling bukas upang magpatuloy ang operasyon.
Samantala, ang mga pribadong kumpanya ay may kalayaang magpasya kung magsususpinde ng trabaho.
Ang kautusang ito ay agad na ipatutupad simula Nobyembre 9, 2025.