12/07/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Camp Antonio U Sison, Lingayen, Pangasinan โ Sa layuning paigtingin ang kakayahan ng mga tauhan ng pulisya sa paggamit ng social media bilang makabagong instrumento para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa komunidad, pagpapalaganap ng impormasyon, at pagpapalakas ng transparency at tiwala ng publiko, isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office ang isang Social Media Seminar noong Hulyo 11, 2025 sa Magilas Multi-Purpose Hall, Camp Gov. Antonio U. Sison, Lingayen, Pangasinan.
Ang nasabing seminar ay bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month, na pinangunahan nina Police Lieutenant Colonel Marceliano A. Desamito Jr, Deputy Provincial Director for Administration, at Police Lieutenant Colonel Buenaventura Benavides III Chief ng Police Community Affairs Development Unit, sa ilalim ng superbisyon ni Police Colonel Ricardo M. David, Acting Provincial Director.
Dinaluhan ito ng mga personnel mula sa City at Municipal Police Stations, gayundin mula sa Provincial Mobile Force Companies ng Pangasinan PPO.
Sa tulong ng mga eksperto sa larangan ng media, komunikasyon, at teknolohiya, tinalakay sa seminar ang mga epektibong estratehiya sa paggamit ng social media upang:
โข Itaguyod ang positibong imahe ng kapulisan,
โข Maging accessible at responsive sa publiko, at
โข Magamit ang social media bilang platform para sa tamang impormasyon at kontra disimpormasyon.
Kabilang sa mga tagapagsalita ay sina:
โข Atty. Phillip Raymund S. Rivera, NAPOLCOM Provincial Officer โ Pangasinan
โข G. Voltaire Tolentino, Vlogger at Regional VP, NCITAC
โข Direk Harvey C. Aquino, Director/CEO, HCA Production
โข PMSg Jonathan P. Fernandez, President, United Pangasinan ICT Council โ Lingayen Chapter / PCAD PNCO
Nagtapos ang aktibidad bandang 3:15 ng hapon sa parehong araw na may makabuluhang resulta. Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng patuloy na hakbang ng Pangasinan PNP upang maging mas handang makipag-ugnayan, makinig, at magsilbi sa mamamayan sa digital age. # # #
END
PBGEN DINDO R REYES
PRO1 Public Information Office