25/08/2025
๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ก๐๐ซ๐จ๐๐ฌ ๐๐๐ฒ
Ngayong araw na ito ay ating ginugunita ang kabayanihan at katapangan ng ating mga magigiting na bayani na nag alay ng kanilang buhay at talino para sa kalayaan at kasarinlan ng bayan. Hindi lamang ito pag alala sa mga pangalan na nakasulat sa ating mga libro at teksto, bagkus isang simbolo na ang Sambayanang Pilipino ay hindi bulag, p**i at bingi sa mga suliranin ng ating lipunan.
Mahalagang paalala ang araw na ito na ang diwa ng kabayanihan ay hindi nasusukat sa laki ng pakikibaka, kundi makikita sa ating araw-araw na pamumuhay. Nananalaytay ito sa ating dugo bilang mga Pilipino at sa pagtupad ng ating tungkulin, sa pag-una ng kapakanan ng iba bago ang sarili, at sa walang sawang paglilingkod para sa bayan.
Sa pagkakataong ito, ipinapaabot natin ang pinakamataas na pagpupugay sa ating mga pulis at sundalo na patuloy na nagbabantay ng ating seguridad, sa mga g**o na humuhubog sa kaisipan at pangarap ng kabataan, sa mga magsasaka at mangingisda na nagsisilbing haligi ng ating pagkain, sa mga health worker na walang sawang nag-aalaga ng ating kalusugan, at sa mga OFW na matapang na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kayo ang mga Modernong Bayani!
๐๐ฎ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฏ๐: ๐๐ผ๐ต๐ป ๐ฅ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฐ๐๐ฎ - Associate ๐๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ถ๐ฒ๐ณ