KNP Nexus

KNP Nexus The Official School Publication of Kolehiyo ng Pantukan.

IN PHOTOS | SSC Equips Student Leaders Through Leadership Training The Supreme Student Council of Kolehiyo ng Pantukan s...
25/08/2025

IN PHOTOS | SSC Equips Student Leaders Through Leadership Training

The Supreme Student Council of Kolehiyo ng Pantukan successfully conducted a Leadership Training on August 23-24, 2025, gathering student leaders from various clubs and organizations to strengthen their leadership skills and camaraderie.

The training, held at Sofia Inland Resort, featured a series of talks, workshops, and team-building activities designed to develop effective communication, teamwork, and decision-making among student leaders.

According to SSC President Rhonan B. Gabica, the activity aimed to empower students not just to lead their respective organizations, but also to inspire others through responsible and servant leadership.

“We are not just leaders in our departments, we are leaders in all KNP,” Gabica said.

Resource speakers from St. Joseph Parish, Asst. Parish Priest Rev. Father Arvin D. Uriat and Municipality of Pantukan Sangguniang Bayan Member, Hon. Tirso Cruz Jr. shared their insights on leadership values, and organizational management, and legislative proceedings that are essential to the governing bodies.

Moreover, the participants also engaged in interactive group activities that tested their problem-solving and collaborative skills.

All in all, the 2 days activity brought knowledge, unlocked skills, and empowered student leaders, aiming to build a culture of collaboration and servant leadership in and beyond the KNP campus.

Words: Gleaneth C. Lapating
Photos: Alen Paoner

IN PHOTOS | KNP Judo Club brings home 19 Medals at Mindanao Invitational Judo Championship.Showing undeniable skills and...
25/08/2025

IN PHOTOS | KNP Judo Club brings home 19 Medals at Mindanao Invitational Judo Championship.

Showing undeniable skills and determination, Kolehiyo ng Pantukan (KNP) Judo Club kicked multiple medals in the 2nd Mindanao Invitational Judo Championship held on August 23-24, 2025 at Mintal, Davao City with competitors dominating across beginner, advanced, kids and cadet categories.

Backed by the support of our Acting College President, Dr. Mary Ann Araula, Criminology Program Head, Dr. Carlito Panganoron Jr., the guidance of Head Coach Sir Jason Laguesma and to our BOT Chaiman, Mayor Oliver “Kuya Noy” Ceniza, the KNP Judo Club proved their excellence as they proudly represented the institution securing 19 medals in total, 6 golds, 7 silvers and 6 bronze medals against tough contenders.

✒️: Pedro Monterde

MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI!Ngayong taon, tayo'y nasa huling Lunes na ng Agosto—isang palatandaan ng paggunita sa maka...
25/08/2025

MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI!

Ngayong taon, tayo'y nasa huling Lunes na ng Agosto—isang palatandaan ng paggunita sa makasaysayang ipinamalas ng ating mga pinakatatanging bayani para sa Pilipinas na siyang ating lupang sinilangan.

Nagsisilbing hudyat ang araw na ito sa ating mga Pilipino na mas patuloy pang ipagmalaki ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayaning nagbigay diwa ng pagkakaisa at pagmamahal upang makamtan lamang ang hustisya't kalayaan sa bayan.

Magbigay pugay sa mga bayaning nakipaglaban para sa atin noon at maging sa mga bayaning patuloy na lumalaban ngayon!

✒️: Trisa Nova Estandarte
🎨: Genelyn Murilla

SA MGA LARAWAN | KNP, Nagtapos ng Linggo sa Pagbaba ng WatawatAlinsunod sa Memorandum Blg. 1, Serye ng 2025, na nag-aata...
22/08/2025

SA MGA LARAWAN | KNP, Nagtapos ng Linggo sa Pagbaba ng Watawat

Alinsunod sa Memorandum Blg. 1, Serye ng 2025, na nag-aatas ng lingguhang seremonya ng pagtaas at pagbaba ng watawat tuwing Lunes, 7:30 ng umaga, at Biyernes, 4:30 ng hapon, isinagawa ng Kolehiyo ng Pantukan (KNP) ang seremonya ng pagbaba ng watawat upang bigyang-pugay ang pambansang watawat at ipamalas ang diwa ng makabayan at paggalang.

Higit pa sa isang nakagawiang kasanayan, ang nasabing seremonya ay nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan tungo sa mas malalim na kamalayan sa tungkulin at paggalang bilang mga mamamayang Pilipino. Bilang mga KNPians, nawa’y patuloy nating isabuhay at panatilihin ang tradisyong ito, sapagkat ito ay sumasagisag sa ating tunay na pagkakakilanlan.

Mga Salita: Darie Jay Samiana
Mga Larawan: Marianingh Ley Tambis

Gave his life so we could have our voice. ‎‎To honor the life and sacrifice of Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., today...
21/08/2025

Gave his life so we could have our voice.

‎To honor the life and sacrifice of Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., today, August 21, celebrates Ninoy Aquino Day, a special non-working holiday, to pay tribute to one of the most prominent opposition leaders during the regime of Ferdinand Marcos.

‎May this day serve as a call on every Filipino to honor his legacy by standing firm in protecting the rights and freedoms that he fought and died for.

✒️: Alice Angel Roldan
🎨: Genelyn Murilla

NOTICE OF HOLIDAY II In accordance with Proclamation No. 727, August 21, 2025 (Thursday) is declared a special non-worki...
20/08/2025

NOTICE OF HOLIDAY II In accordance with Proclamation No. 727, August 21, 2025 (Thursday) is declared a special non-working holiday nationwide in observance of Ninoy Aquino Day, commemorating the 1983 assassination of former Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. at the Manila International Airport. His death became a pivotal moment in Philippine history, sparking widespread public outrage that eventually led to the EDSA People Power Revolution of 1986.

Meanwhile, August 25, 2025 (Monday) is observed as National Heroes’ Day, a regular holiday dedicated to honoring all Filipino heroes—known and unknown—who fought for the nation’s freedom, democracy, and sovereignty. This holiday traces its roots to the Cry of Pugad Lawin, an act of defiance in August 1896 that marked the start of the Philippine Revolution against Spanish colonial rule, led by Andres Bonifacio and the Katipunan.

Please be guided.

SA MGA LARAWAN | BSAB Orientation 2025: Inspirasyon at Gabay para sa mga Mag-aaralIsinagawa ngayong Agosto 15, 2025, sa ...
15/08/2025

SA MGA LARAWAN | BSAB Orientation 2025: Inspirasyon at Gabay para sa mga Mag-aaral

Isinagawa ngayong Agosto 15, 2025, sa KNP Gymnasium ang taunang departmental orientation ng Bachelor of Science in Agribusiness (BSAB), na nilahukan ng program coordinator, faculty and staff, mga mag-aaral, at si Hon. Tirso R. Cruz Jr., na nagbigay ng isang inspirational message.

Sa kanyang madamdaming mensahe, ibinahagi ni Cruz ang kahalagahan ng determinasyon at pangarap sa gitna ng mga pagsubok. Hinikayat niya ang mga kabataan na manatiling nakatuon sa kanilang mga layunin, anuman ang hamon ng buhay.

“Dagha’g pagsulay sa kinabuhi...
Kailangan naka-focus mo sa inyong pangandoy and be determined enough aron kayanon na ninyo,” ani Cruz, na umani ng palakpakan mula sa mga mag-aaral.

Binigyang-diin pa niya na ang edukasyon ang pinakamabisang susi upang makamit ang kaginhawaan at tagumpay sa buhay—isang mensaheng tumimo sa puso ng mga mag-aaral.

Samantala, kasabay ng orientation ay isinagawa rin ng BSAB Officers ang screening para sa magiging kinatawan ng departamento sa nalalapit na Mr. and Ms. Fresh New Faces at Drag Queen, na layong ipagdiwang ang talento at kumpiyansa ng mga bagong mag-aaral.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang orientation sa pagtupad ng layunin nitong ipakilala sa mga mag-aaral—lalo na sa mga bagong pasok—ang mga g**o, patakaran, at mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang kurso. Isang hakbang ito tungo sa mas matibay na ugnayan at mas malinaw na pag-unawa sa landas na kanilang tatahakin bilang bahagi ng BSAB.

Mga Salita: Aaron Malazarte
Mga Larawan: Alen Paoner

SA MGA LARAWAN | CTE, Isinagawa ang Taunang Departmental OrientationInilunsad ng College of Teacher Education (CTE) ang ...
14/08/2025

SA MGA LARAWAN | CTE, Isinagawa ang Taunang Departmental Orientation

Inilunsad ng College of Teacher Education (CTE) ang taunang Departmental Orientation upang ipaalam sa mga estudyante ang mahahalagang patakaran, layunin at mga inaasahan sa kanilang pag-aaral.

Kabilang din sa nasabing oryentasyon ang mga impormasyon hinggil sa panuntunang pang-akademiko, responsibilidad ng mga mag-aaral at iba’t ibang programa ng kolehiyo na makatutulong sa kanilang academikong tunguhin.

Samantala, binigyang-diin ni Dr. Celedonia Coquilla, program head ng CTE, ang kahalagahan ng CHED visit matapos makapagtala ng 87.23% passing rate noong nakaraang Marso para sa unang sumubok sa Pagsusulit Pangg**o.

Mga Salita: Pedro Monterde
Mga Larawan: Alen Paoner, Gleaneth Lapating, Marianingh Tambis

SA MGA LARAWAN | NSTP General Orientation, Idinaos para sa mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyoIsinagawa ng Kolehiyo ...
14/08/2025

SA MGA LARAWAN | NSTP General Orientation, Idinaos para sa mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo

Isinagawa ng Kolehiyo ng Pantukan (KNP) ang General Orientation sa National Service Training Program (NSTP) na may layuning ipaunawa sa mga mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo ang natatanging kaibahan ng tatlong component nito—ang Reserved Officers Training Corps (ROTC), Civic Welfare Training Service (CWTS), at Literacy Training Service (LTS).

Sinimulan ang programa sa pagpapakilala ng mga g**ong magtuturo para sa tatlong komponent, at ng isang paunang pahayag mula kay Dr. Carlito R. Panganoron, Program Head ng Criminology Department, ngayong araw, Agosto 14, 2025, sa KNP Gymnasium.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Panganoron ang kahalagahan ng matagumpay na pagsasailalim ng mga mag-aaral sa NSTP, pati na rin ang saligang gabay na layunin ng kursong ito—partikular ang kanyang pagbabanggit sa RA 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001—na umano’y dahilan kung bakit kinakailangang makapagtapos ng NSTP ang mga mag-aaral sa kolehiyo.

Dagdag pa ng program head, mahalaga ang tama at masinsinang pagpili sa component na kukunin ng mag-aaral sapagkat ito ay may potensyal na maging isa sa mga batayan ng propesyong kanilang tatahakin.

Gayunpaman, matagumpay na naisakatuparan ang General Orientation para sa NSTP na nagsilbing daan para sa mga first year students upang maunawaan ang kaibahan at ang kahalagahan ng ROTC, CWTS, at LTS, pati na rin ang mga tungkuling kanilang gagampanan sa bansa sa oras na sila ay makatapos sa kursong ito.

Mga Salita: Aaron Malazarte
Mga Larawan: Alen Paoner

SA MGA LARAWAN | College of Business Administration, Naisakatuparan ang Taunang Departmental OrientationUpang higit na m...
13/08/2025

SA MGA LARAWAN | College of Business Administration, Naisakatuparan ang Taunang Departmental Orientation

Upang higit na mapatatag ang paninindigan ng mga estudyanteng nagnanais tahakin ang landas ng pagnenegosyo at pangangalakal, isinagawa ng Department of Business Administration ang taunang Oryentasyon ngayong Agosto 13, 2025, na may temang “Embarking on Your Professional Journey: Explore, Engage, Excel.”

Sa nasabing kaganapan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga pinagtibay na akademikong patakaran, patnubay, at alituntunin. Ibinahagi rin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang oportunidad na maaaring makamtan sa larangang kanilang pinili.

Sa kabuuan, nagsilbing gabay ang programa upang patatagin ang disiplina at pagkakaisa ng mga estudyante—hindi lamang sa loob ng kanilang departamento, kundi maging sa buong institusyon.

Mga Salita: Trisa Nova Estandarte
Mga Larawan: Marian Casil

SA MGA LARAWAN | College of Entrepreneurship, Nagsagawa ng Pangdepartamentong Oryentasyon‎Idinaos ngayong Agosto 12 ng C...
12/08/2025

SA MGA LARAWAN | College of Entrepreneurship, Nagsagawa ng Pangdepartamentong Oryentasyon

‎Idinaos ngayong Agosto 12 ng College of Entrepreneurship ng Kolehiyo ng Pantukan ang taunang departmental orientation na pinangunahan ng Pinuno ng Programa, G. Albeb Q. Taray, kasama ang Gobernador at Bise-Gobernador ng programa na sina Edgardo Ortega Jr. at Roldan Peles Jr.

‎Bilang karagdagan, ang naturang programa ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilala ang mga tagapagturo sa departamentong entrepreneurship. Bukod pa rito, ang oryentasyong ito ay nagbigay kamalayan sa mga mag-aaral ukol sa mga pamantayan sa mga aktibidad, seguridad, at etika na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral ngayong akademikong taong 2025-2026.

Sa huling banda ng programa, nagkaroon ng diskusyon at pagkakataon ang mga estudyante para magtanong at mabigyang liwanag ang mga bagay ukol sa kanilang pag-aaral sa larangan ng entrepreneurship.

Mga Larawan: Alen Paoner

SA MGA LARAWAN | Paglulunsad ng Taunang Departmental Orientation ng BSTM, Dinaluhan ng mga EstudyanteBilang hakbang upan...
12/08/2025

SA MGA LARAWAN | Paglulunsad ng Taunang Departmental Orientation ng BSTM, Dinaluhan ng mga Estudyante

Bilang hakbang upang makamit ang higit na handang mag-aaral sa BSTM, pinasinayaan ng departamento ngayong Agosto 12 ang taunang programa ng oryentasyon na tinalakay ang mahahalagang usaping pangdepartamento—kabilang ang mga pangunahing alituntunin at regulasyong dapat sundin ng bawat mag-aaral, at ang mga opportunidad na nakaabang sa mga magtatapos ng kursong turismo na inilahad ni G. Samuel Radjac.

Bukod dito, nagsilbi rin ang programang may temang: "Strengthening the First Step: Embracing the Journey with Passion and Purpose," bilang mahalagang plataporma para sa BSTM Department upang mapalago ang kamalayan, disiplina, at pagkakaisa ng mga estudyante, lalo na ng mga bagong mag-aaral na magsisimula pa lamang sa kanilang paglalakbay sa larangan ng tourism management.

Mga Salita: Cristine Cajes
Mga Larawan: Alen Paoner

Address

Juan A. Sarenas Campus, Kingking
Pantukan
8809

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KNP Nexus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share