01/11/2025
If you can afford 1 drink in Starbucks in a week, you can travel at least once a year.
Ito yung theory ko. I will explain it.
To start, hindi talaga ako fan ng starbucks ever since. Siguro nadala lang tlaga ng hype ng friends, para maka join sa vybe etc. Pero kung ako lang, hindi me bibili talaga for my cravings. Well, iba iba naman tayo ng gusto. Pero here is the point. Estimate lang, a drink in starbucks or in a nice coffee shop, is around 200php (for these example lang). If you treat yourself a drink once every week, that will be 200 x 52 weeks in a year, or roughly about 10k pesos. For me, that 10k, makakapag book na ako ng 2 round trip airfares for international flights if may seatsale. Well sabihin na natin, hindi seatsale, 1 roundtrip airfare nalang. So it means you can really afford to fly. It is just the mindset of what you priority. Kung priority mo is Starbucks every week, go! We do have different priorities in life and what makes us happy in long term, what satisfy our cravings. Ngayon, baka sabihin ng iba, airfare lang yan eh, eh yung gastos pa don? Paano? Hotel? Transpo? Activities? Alangan naman airfare lang? Pero here me out. I think hindi lang naman starbucks yung crincrave mo every week eh, baka meron pa iba? Like shopee mo? Baka every week may shopee ka na 200php na hindi naman need talaga. Nagtaxi ka twice a month kasi sabi mo deserve mo dahil sahod or kaya naman magssamgy ka dahil may extra pa. So if you sum up that small amounts, magiging pocket money mo na yun diba? So in short, it really depends on your priority. For me, travelling is my inner peace kasi. Ito yung nagpapawala sa akin ng stress. Kapag nakakakita ako ng mga bagay sa picture ko lang dati nakikita. It makes me feel na lahat ng sinave ko is worth it. Ang point ko dito, travelling is not only for rich. If you plan it ahead, you can really achieve it. Masaya ang biglaan na lakad pero not anyone can afford it. Lastly, my little advice I got from my friend is wag ka paka stress sa bagay na hindi mo na kaya controlin, doon ka sa mga bagay na kaya pa at may magagawa ka like learning to prioritize and saving 😇
Yun lang, sana nakatulong. At ikaw na sana yung susunod ko makikita na dating nagsasanaol, ngayon eh nagttravel na ❤️
P.S. credits sa nagbigay ng picture, wala talaga ako eh 😅