
22/07/2025
PAHUPA NA ANG ULAN SA METRO MANILA, PERO BANTA NG HABAGAT NANANATILI 🌧️☔
BASAHIN: Bagama’t bahagyang humuhupa na ang pag-ulan sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan ngayong tanghali, hindi pa rin ligtas ang publiko sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa satellite image na inilabas ngayong tanghali, unti-unti nang numinipis ang mga kaulapan na nagdadala ng pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ngunit nagbabala ang mga eksperto na maaaring magkaroon pa rin ng mga panaka-nakang pag-ulan sa mga susunod na oras o araw.
PAALALA SA PUBLIKO:
Hindi pa tuluyang tapos ang epekto ng Habagat.
Posible pa rin ang biglaang pagbaha (flash floods) at pagguho ng lupa (landslides) lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking komunidad.
Maging alerto sa mga susunod na abiso ng PAGASA at ng inyong lokal na pamahalaan.
Source: PWS/PSU