
01/07/2025
May kumikita ng P50k pero laging kapos.
May kumikita ng P15k pero tahimik ang buhay.
Hindi palaging tungkol sa laki ng kita—
kundi kung paano niyo ito pinapangalagaan.
Kasi totoo lang,
may mga mag-partner na malaki ang income pero walang ipon.
Laging may away, laging may kulang.
Tapos may iba, sakto lang ang kita pero may plano, may peace, may progress.
It’s not the amount—it’s the alignment.
Yung magkasama kayo, hindi lang para kumita,
pero para bigyan ng saysay ang kinikita.
Yung nag-uusap bago gumastos.
Yung marunong magsabing “huwag muna” sa wants,
para makasagot ng “yes” sa mga pangarap.
Because real love isn’t just about moments.
It’s about mindsets.
Packed lunch, budget nights, cancelled checkouts,
at mga tanong na,
“Where do we want to be five years from now?”
Hindi kailangang mayaman para tumibay.
Ang kailangan: pagkakaisa sa values, vision, at disiplina.
Kapag marunong sa piso,
handa sa milyon.