19/04/2026
Hindi ka tamad, ubos ka lang.
May mga araw na ang bigat gumalaw at mag-isip.
Akala mo tamad ka.
Pero hindi.
Pagod ka kakaisip ng budget.
Pagod sa araw-araw na gastusin.
Pagod sa “paano kung may biglaang gastos?”
Hindi lang katawan ang pagod pati isip at responsibilidad.
Sanay ka kasi na ikaw ang matatag.
Ikaw ang “palaging okay.”
Ikaw ang “kaya pa.”
Pero tandaan mo.Hindi mo kailangang maging malakas araw-araw.
Hindi mo kailangang maging productive palagi para may silbi ka.
Minsan, sapat na yung hindi ka sumuko.
Kaya kung pagod ka ngayon, pahinga muna. Hindi ka nahuhuli.
Tao ka lang na patuloy lumalaban. 🫰