
16/05/2025
Kailan kaya matatapos ang kultura ng bilihan ng boto sa Pilipinas? Bakit parang tanggap na lang ng lahat — parang normal na parte na ng eleksyon?
Kapag may namimigay ng pera, parang 'tradisyon' na lang. Parang okay lang. Pero hindi ba't ito ang mismong ugat ng bulok na pamumuno?
Hindi ako naniniwalang mahirap ang Pilipino — pero ginagawang mahirap para manatiling kontrolado.
Ang nakakatuwa lang, kahit papano, may mga pagbabago rin tayong nakita: hindi na basta-basta nananalo ang mga artista kahit sikat sila. Ibig sabihin, kayang magbago ang boto ng tao. Kayang piliin ang tama.
Ang tanong, kailan natin pipiliin ang dangal kaysa sa lagay? Kailan natin pipiliing ipaglaban ang kinabukasan kaysa sa P5000 ngayong gabi?
Baka hindi pa ngayon. Pero baka, kung magsalita tayo. Kung magtulungan tayo. Kung hindi tayo matakot magsabi ng totoo.