News Watch

News Watch A page for verified and legit news in the Philippines and around the World This is page for the up-to-date NEWS and Featured Reports
(1)

08/10/2025

BASAHIN: Pinakakansela na ni Acting Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez ng HABAMBUHAY ang lisensya ng 43-anyos na driver ng electric car na nangbangga ng motorsiklong nakasagi sa kaniya at tinakbuhan siya.

Ang nasabing insidente ay nangyari kahapon, Martes ng umaga, October 7, sa Tereza, Rizal kung saan minamaneho ito ng 15-anyos na estudyante.

Ayon kay Lopez, utos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na panagutin ang mga iresponsableng driver na nilalagay sa peligro ang buhay ng mga kapwa motorista.

Sinabi pa ni Lopez na, "‘Yang driver na ‘yan, walang karapatan magmaneho sa kalsada. Sabihin na nating totoo mang nasagi ‘yung kanyang sasakyan. Tama bang habulin at bundulin mo ‘yung bata?”

Dahil dito kung kaya't nakatakdang maglabas ng show cause order ang LTO laban sa driver ng nasabing electric car.

Kinumpirma ng COMELEC na may anim pang senador ang tumanggap ng pera noong nakaraang eleksyon.Ang pera o campaign donati...
08/10/2025

Kinumpirma ng COMELEC na may anim pang senador ang tumanggap ng pera noong nakaraang eleksyon.

Ang pera o campaign donations umano na tinanggap ng mga ito ay galing sa mga contractor.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nalaman ang pagkakasangkot ng anim na senador nang suriin nila ang 55 kontratista na umano’y nagbigay ng campaign donations noong 2022 national elections.


News Watch
News Watch

Patay ang isang lalaki na umano’y kabit matapos na maaktuhan ng mister ang kaniyang misis na nakikipagtalik dito sa loob...
08/10/2025

Patay ang isang lalaki na umano’y kabit matapos na maaktuhan ng mister ang kaniyang misis na nakikipagtalik dito sa loob ng banyo ng kanilang kapitbahay.

Ayon sa Bayambang Police Station, nabungaran ng 44-anyos na lalaki ang kaniyang misis sa loob ng banyo ng kanilang kapitbahay na nakikipag-loving-loving sa 38-anyos na biktima.

Dahil dito kung kaya’t nagkagulo ang dalawa, hanggang sa pagtataga-in ng original ang kabit, hanggang sa bawian ito ng buhay.

Agad na tumakas ang suspek, pero naaresto din ito ng mga otoridad na dala-dala pa ang itak na ipinangtaga nito.

Samantala, ayaw namang magsalita ng babae kaugnay sa nangyaring insidente ng pagkakahuli sa kanila. / via Bayambang Police Station and GMA News

Bubusisiin ng husto ng bagong Ombudsman na si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang rekomendasyon ng Kamara...
08/10/2025

Bubusisiin ng husto ng bagong Ombudsman na si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang rekomendasyon ng Kamara na kasuhan si Vice President Sara Duterte dahil sa umaon’y pag-abuso nito sa paggamit ng confidential funds.


News Watch
News Watch

08/10/2025

TINGNAN: Tinesting na sa Pasig River ang M/B Dalaray, ang kauna-unahang locally-made na electric ferry na dinisenyo ng mga UP engineer.

Ilu-launch ang nasabing electric ferry sa darating na November kung saan maglalayag ito sa Taguig, Pasig, Mandaluyong, Makati at Manila sa pamamagitan ng Pasig River Ferry System.

BASAHIN: Nais ng executive minister ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo Manalo na gawing transparent ng Independent Commi...
08/10/2025

BASAHIN: Nais ng executive minister ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo Manalo na gawing transparent ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang gagawing imbestigasyon sa kurapsyon ng flood control projects.


News Watch

News Watch

08/10/2025

Nakunan ng CCTV ang eksena kung saan hinabol at binangga ng isang electric car ang motorsiklong minamaneho ng isang estudyante noong Martes, October 7, 2025, sa Teresa, Rizal.

Ayon sa mga otoridad, nasagi at nagasgasan ng motorsiklo ang nasabing electric car at sa takot ng estudyante kung kaya’t dumiretso ito ng patakbo sa kaniyang motor.

Natakot umano ang estudyanteng naka-motor dahil nakasagi na ito, wala pa itong lisensya, kaya’t tinakbuhan nalang nito ang kotse dahil sa takot.

Agad namang dinala sa presinto ang dalawang sangkot kung saan nagharap ang may-ari ng electric car at ang mga magulang ng estudyante, kung saan sila nag-usap hanggang sa magkasundo.


News Watch
News Watch

TINGNAN: Tuluyan nang nagsampa ng perjury complaint si Senator Jinggoy Estrada laban sa dating DPWH engineer na si Brice...
07/10/2025

TINGNAN: Tuluyan nang nagsampa ng perjury complaint si Senator Jinggoy Estrada laban sa dating DPWH engineer na si Brice Hernandez sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong araw, Martes, October 7.

Kung matatandaan, inakusahan ni Hernandez ang senador na tumanggap ng "commitments" na umaabot sa 30 percent ng pondo ng ilang flood control projects sa Bulacan. / via Office of Sen. Jinggoy

News Watch

News Watch

07/10/2025

Bumagsak ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan kahapon, October 6, 2025, bandang 4:50 ng hapon.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), 18 tons lamang ang capacity ng nasabing tulay ngunit umabot ito sa 50 tons ang bigat ng tatlong trailer truck kaya’t bumagsak ito kasama ng mga truck.

News Watch

News Watch

GUILTY SA ICCGuilty ang naging hatol ng International Criminal Court (ICC) ang dating militia leader ng Sudan na si Ali ...
06/10/2025

GUILTY SA ICC

Guilty ang naging hatol ng International Criminal Court (ICC) ang dating militia leader ng Sudan na si Ali Muhammad Ali Abd-Al-Rahman o mas kilala sa pangalang Ali Kushayb.

Ang kaso ay nag-ugat sa mga kasong war crimes at crimes against humanity na nangyari sa pagitan ng 2003 at 2004 sa Darfur, Sudan.

Sa desisyon ng ICC, napatunayang guilty si Kushayb sa nangyaring patayan, sexual abuse at torture sa daan-daang biktima sa Sudan.

Base sa desisyon ng ICC, napatunayang guilty si Kushayb sa brutal na mga patayan, torture, at sexual abuse sa daan-daang biktima sa kasagsagan ng giyera noon sa Sudan.

06/10/2025

𝗕𝗲𝗮𝘂𝘁𝘆 𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻 𝗡𝗮 𝗦𝗶 𝗪𝗶𝗹𝗺𝗮 𝗟𝗮𝘂𝗱𝗲 𝗭𝗮𝗺𝗼𝗿𝗮, 𝗔𝗴𝗮𝗱 𝗡𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗡𝗴 𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗮 𝗠𝗴𝗮 𝗡𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗡𝗴 𝗟𝗶𝗻𝗱𝗼𝗹 𝗦𝗮 𝗖𝗲𝗯𝘂


News Watch

News Watch

TINGNAN:  Matindi ang naging pagbaha sa Lemery, Batangay noong Biyernes dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng Bagyon...
06/10/2025

TINGNAN: Matindi ang naging pagbaha sa Lemery, Batangay noong Biyernes dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng Bagyong Paolo.

Makikita sa mga letrato na may dalang putik ang nasabing baha, dahilan para mahirapan ang mga light vehicles na makadaas sa kalsada.

Kaugnay nito, dalawa namana ng itinuturong dahilan ng matinding pagbaha, UNA ay dahil sa walang tigil na pagsira sa kabundukan at PANGALAWA ay dahil sa mga sub-standard na flood control projects sa nasabing lugar.

News Watch
News Watch

Address

Malibay Street
Pasay City
1300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Watch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share