09/08/2026
Amang Diyos, bago po ako matulog ngayong gabi lumalapit ako sa Inyo nang may mapagpakumbabang puso. Maraming salamat po sa panibagong araw na ipinagkaloob Ninyo sa akin at sa aking pamilya. Salamat sa bawat biyaya sa proteksyon sa mga bagay na nakikita ko at maging sa mga biyayang hindi ko man napapansin.
Panginoon humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan sa mga nagawa, nasabi, at maging sa mga naiisip kong hindi nakalulugod sa Inyo. Patawarin Ninyo po ako sa aking mga pagkukulang. Linisin Ninyo ang aking puso at tulungan Ninyo akong maging mas mabuting tao asawa at ina. Bigyan Ninyo ako ng pusong marunong umunawa magpatawad at magmahal.
Lord higit sa lahat ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang aking asawa. Alam Ninyo ang kanyang kalagayan ngayon at ang karamdaman na kanyang nararamdaman. Kahit malayo siya sa amin, sana ay huwag Ninyo siyang iwan. Hawakan Ninyo siya at pagalingin ang kanyang katawan. Bigyan Ninyo siya ng lakas pahinga at mabilis na paggaling.
Protektahan Ninyo po siya sa anumang panganib. Gabayan Ninyo siya sa bawat oras, lalo na sa mga panahong mahina ang kanyang katawan. Ipadama Ninyo sa kanya na kahit malayo kami kasama niya Kayo at lagi namin siyang ipinapanalangin.
Panginoon bantayan Ninyo rin po ang aming buong pamilya ngayong gabi. Ilayo Ninyo kami sa anumang kapahamakan sakit at masamang pangyayari. Punuin Ninyo ang aming tahanan ng kapayapaan at pagmamahalan.
Sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin turuan Ninyo akong magtiwala. Kapag natatakot ako bigyan Ninyo ako ng kapanatagan. Kapag nag-aalala ako ipaalala Ninyo sa akin na hindi ko kailangang dalhin ang lahat nang mag-isa dahil naroon Kayo.
Ngayong gabi ipinauubaya ko na po sa Inyo ang lahat ng aking alalahanin. Kayo na po ang bahala sa aming bukas. Naway paggising namin bukas ay mas magaan ang aming puso mas malakas ang aming pananampalataya at mas malapit kami sa Inyo.
Maraming salamat po Lord, dahil kahit hindi ko nakikita ang Inyong ginagawa, naniniwala akong kumikilos Kayo.
Sa pangalan ni Jesus Amen.🙏🏼