14/09/2025
Lubos kong ikinalulungkot at ikinagagalit ang sinasapit ngayon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isang Pilipinong buong buhay ay inialay sa paglilingkod sa bayan. Masakit isipin na siya ay isinuko at ipinakulong ng mismong kapwa Pilipino.
Nakapanlulumo na ang tanging ginawa niya ay mahalin ang bansa at protektahan ang bawat pamilyang Pilipino. Ngayon, sa gulang na 80 taon, kinakailangan pa niyang umapela ng pahintulot upang makapanatili sa ibang bansa habang nasa pansamantalang paglaya.
Ang tanging hangad niya ay makabalik sa sariling bayan, ang bansang buong puso at tapat niyang pinagsilbihan. Hindi ba natin kayang kilalanin ang kabutihang kanyang nagawa at wakasan ang tila walang katapusang pagpapahirap sa kanya at sa kanyang pamilya?
Panahon na upang muling pahalagahan ang ating pagka-Pilipino at ipaglaban ang ating tunay na kalayaan. Sa lahat ng kabutihang kanyang naibigay, ito ba ang ganting nararapat? Ito ba ang hustisyang nais nating ipakita sa mundo?
Pag nagpatuloy pa ito ay magiging kawalan na ng katarungan at isang paglapastangan sa ating dangal bilang sambayanang Pilipino. At sa mga may kagagawan nito, tandaan ninyo na ang kasaysayan ay hindi kailanman kinakampihan ang mga nang-aapi.
Nawaβy dumating ang araw na magising tayong lahat na igalang ang mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan at kumilos upang manaig ang katarungan para sa kasalukuyan at para sa kinabukasan ng ating bansa.
Ipinagsisigawan namin, dating Pangulong Duterte na kami na mga sumusuporta sa iyo ay hindi titigil! Magtitipon kami, mananalangin kami, at patuloy kang ipaglalaban. Lumaban ka, dahil kailanman hinding-hindi ka namin tatalikuran. Kasama mo kami, hanggang sa dulo! ππ