08/09/2025
'SAFE KA NA'
Biniro ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta si Sen. Jinggoy Estrada sa gitna ng pagdinig tungkol sa flood control projects.
Ito ay matapos pangalanan ni Curlee Discaya ang ilang kongresista at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot umano sa pagtanggap ng kickbacks mula sa government projects.
Pinatanggal ni Estrada ang pahayag na ito ni Marcoleta sa records ng Senado dahil biro lang umano ito.