13/03/2026
Sa panahon ngayon, napakadaling palitan ang isang tao. Isang chat lang, isang swipe lang, parang may bago ka nang makikilala.
Pero ang totoo, hindi lahat ng taong dumarating sa buhay mo kayang manatili kapag mahirap na ang sitwasyon.
Maraming kayang sumama kapag masaya ang buhay mo. Kapag may pera, may saya, at walang problema.
Pero kapag dumating ang mga araw na pagod ka na, nalulugi ka, o nawawalan ka ng direksyon doon mo makikita kung sino talaga ang totoo.
Kasi madaling maghanap ng iba pero bihira ang taong pipiliing samahan ka kahit sa pinakamahirap na bahagi ng buhay mo.