07/03/2024
SAYANG! SANA
Tyaka natin marerealize na sana hindi ko inubos pera ko nong malakas pa ako kumita, KAPAG...
👉May sarili nang pamilya at mas malaki na ang responsibilities
👉Pag halos tumira na sa trabaho kumita lang ng pera para maibigay pangangailangan ng mga anak ngunit kulang pa din
👉Kapag biglaang nawalan ng trabaho o
👉Biglang nagkasakit at walang pampaospital.
👉Baon na sa utang.
SAYANG, kung hindi ko inubos sa mga materyal na bagay, sa pagtravel, sa pagbibisyo, sa pagpaparty, kaliwa't kanang panlilibre at kung nagtabi ako at nag-invest ng tama noon sa bawat araw ng pagsweldo, edi SANA...
👉Marami akong oras na kasama ang pamilya ko, nakakapagtravel, nakakanood ng sine kasama sila.
👉Lahat ng pangangailangan nila ay maibibigay ko ng walang pangamba kahit mamuhay kami ng simple.
👉Hindi ko kailangan manghiram ng pera kapag may sakit ako o kahit na sino sa aking pamilya.
👉Hindi kailangan ipangutang ang pampaaral dahil may sobra sobrang ipon na nakalaan para sa kanilang edukasyon.
👉Mas masaya ang aming pamilya na hinaharap ang buhay ng buo at magkakasama.
Kaya kung ikaw ngayon ay blessed pagdating sa income, negosyo o kaya ay magsisimula pa lang na maghanap-buhay, single, o kaya naman ay taong gustong mabago ang buhay, we encourage na pag-aralan mo kung ano ang tamang pag-iipon.
Paghandaan ang mga bagay na dapat paghandaan. Save more of your hard-earned money that you can save as long as you can.
Because someday, what you save today will save you from being financial broke in the future. Walang pagsisisi na "Sayang... Sana..."
Be your own Financial Educator. Save your Future self..