Today With Zainab

Today With Zainab πŸ“πŸ‡΅πŸ‡­ | πŸ’πŸ‡΅πŸ‡°
Filipina in Pakistan
πŸ“© [email protected]
https://www.youtube.com/

14/09/2025

Ang daming photos at videos noong nasa UAE pa kami ni Hubby na hindi ko pa na share dahil hindi pa naman ako nag vlog that time kaya eto panay throwback muna ako ng magagandang memories ☺️

Gaano ka OA ang asawa ko minsan? Noong lumipat kami ng flat nagpabili ako sa kanya ng halaman dahil malaki ung balcony. ...
13/09/2025

Gaano ka OA ang asawa ko minsan?
Noong lumipat kami ng flat nagpabili ako sa kanya ng halaman dahil malaki ung balcony. Kinabukasan na surprised ako may mga dineliver na pero hindi lang isa kundi madami siyang binili, kinulang yung space nilagay pa sa loob yung iba. Natuwa nmn ako at first pero nairita na later on, may mga bubuyog ng nalipad at kinausap din kami ng bldg management na tanggalin yung mga nasa taas na halaman dahil bawal daw yun. Kaya bago ibenta ang iba ay nagpa pictures muna ako. πŸ˜„

13/09/2025
13/09/2025
Share ko lang, medyo mahaba!πŸ₯ΉSobrang spoiled ako kay Hubby sa maraming bagay isa na diyan when it comes to cooking. Neve...
12/09/2025

Share ko lang, medyo mahaba!πŸ₯Ή

Sobrang spoiled ako kay Hubby sa maraming bagay isa na diyan when it comes to cooking. Never siyang nag demand na ipagluto ko siya, aralin ko ung mga Pakistani foods na gusto niya, may pagkain man o wala pagkagaling niya sa work ay nakangiti pa yan at sasabihin " No need to tire yourselfβ€”just get ready, we’ll eat out” or papadeliver na lang kami kung anong gusto ko.

Knowing na magkaibang lahi kami at magkaiba ang mga kinakain at gustong pagkain, everytime we eat outside it’s always my choice kung saan ko gusto at anong cravings ko ay doon kami. Hindi siya kumakain ng mga seafoods pero dahil favorite ko ay go parin, laging chicken lang naman ung nakakain niya while ako ay nagpapakabusog ng bongga, I never asked if he enjoyed, he was full or not. Kahit maselan ang asawa ko sa pagkain ay hindi ko un pinapansin because he doesn't complain too.

Maasikaso ako pero pagdating sa pagluluto ay aminado akong hindi. Even before naman ay hindi ako maluto unlike sa iba. Kung hindi ko siya kasama ay tinatawag ko mga friends ko para kumain sa labas, libre ko dito at libre ko doon, my husband doesn't mind it as long as I'm happy.

One time may napanood akong Pinay vlogger na nakapag asawa din ng Pakistani at ang content niya ay palagi siyang nagluluto ng mga Pakistani foods para sa asawa, talagang inaaral niya ang mga recipes. Bigla akong nakaramdam ng guilt at naawa kay Hubby, wala naman ako ginagawa maghapon napakadami kong time para manood sa socmed at aralin din ang mga bagay bagay, ilang taon na kaming mag asawa pero wala akong effort, hindi ko tinatanong anong gusto niya. Di ba nga laging sinasabi na gusto daw tayo ng mga foreigner dahil sobrang maalaga tayo sa lahat ng bagay, pero feeling ko wala namang ganung napapala ang asawa ko sa akin kasi puro lang ako pa cute at pa sweet.

Nang pumunta kami dito sa Pakistan, nakita ko gaano kaasikaso sa kanya ang byenan at hipag ko lalo na pagdating sa pagkain, alam ang mga favorite niya at yun ang niluluto. Ayaw nilang kumain sa labas dahil hindi daw healthy at hindi sure kung malinis.

Shocks nahiya ako sa asawa ko at medyo nagselos narin kasi ni isa sa mga gusto niya ay wala akong alam dahil hindi ko rin tinatanong. Lahat binibigay niya sa akin pero ako konting effort lang waley. Mas nakaka guilty pa sa part ko yung never siyang nag request, nag complain, nag demand ng mga bagay na wala akong kusa.

Hindi totoo yung sinasabi na gagawin kang katulong ng asawa at byenan mong Pakistani, siguro nararanasan ng iba pero sa part ko naku baka kapag mayaman pa kami o asawa ako ng contractor ay baka daigin ko pa ang reyna, char!

Late ko na realized at aaminin kong hindi ako proud sa sarili ko, dahil sa mag asawa hindi pwdeng one sided lang yung effort at adjustment. I’m grateful dahil matibay talaga ung suot na helmet ng asawa ko este mahal na mahal niya ako!

Minsan si Hubby parang paparazzi yung nakakairita na pero patuloy parin sa pagkuha!πŸ“ΈπŸ™ˆπŸ˜‚
10/09/2025

Minsan si Hubby parang paparazzi yung nakakairita na pero patuloy parin sa pagkuha!πŸ“ΈπŸ™ˆπŸ˜‚

06/09/2025

Ang β€˜Pathan’ ay hindi po short term for Pakistan or Pakistani!

Bago ako tumaba ay nakita din ng asawa ko ang medyo payat na ako 🀭 Hanggang tingin na lang muna sa nakaraan πŸ₯Ή
05/09/2025

Bago ako tumaba ay nakita din ng asawa ko ang medyo payat na ako 🀭 Hanggang tingin na lang muna sa nakaraan πŸ₯Ή

Ang cute lang! πŸ’–
04/09/2025

Ang cute lang! πŸ’–

Minsan kelangan pa nating mag trabaho abroad para makaipon, makapag bakasyon sa Pilipinas at makapasyal sa ibang mga pro...
02/09/2025

Minsan kelangan pa nating mag trabaho abroad para makaipon, makapag bakasyon sa Pilipinas at makapasyal sa ibang mga probinsiya. Yung iba nga walang ipon at ilang taon pa bago makapiling ang pamilya. πŸ₯Ί

02/09/2025

Sabi ko kay Hubby maging contractor na lang siya, and focus lang sa mga roads or flood control project πŸ™ˆ

01/09/2025

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Today With Zainab posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share