25/04/2025
IKAAPAT NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA MINAMAHAL NA PATRON SAN JOSE MANGGAGAWA
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
PAGSISISING DADASALIN SA ARAW ARAW:
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa krus dahilan sa akin. Amén.
PANALANGIN SA ARAW ARAW:
Maluwalhating Patriarka San José, Esposo ng Kabanal-banalang María, kinilalang ama ni Hesús, kagalingan, saklolo, at pintakasi namin, kami ay nagpapatirapa sa mga paa mo, at nag-aalay sa iyong pitong Ama namin, pitong Aba, Ginoong María, at pitong Gloria Patri, alaala at galang sa dakilang pitong sakit, at pitong ligaya, nadinamdam mo sa buhay na ito: gayundin naman sa parating pagkahapis mo hanggang tumutubo ang kalinislinisang katawan ng Niño Hesús, na natatalastas mo nabalang araw ay lubhang pasasakitan, at ipapako sa isang Krus at sa malaking lumbay mo niyong ikaw ay papanaw sa buhay na ito, at mahihiwalay sa kaibig-ibig na pakikisama kay Hesús at kay María; at sa mga kaaliwan at ligaya ng puso mo, sa pagnamnam ng matatamis na bunga ngkabanalan at grasya, na makakamtan ng tao sa mahal na kahoy ng krus at sa pagharap sa iyo ng maawaing Hesús at ng masintahing Ina niya sa panahon ng huling pagpanaw mo. Hinihingi namin ang iyong pagkakalinga, nang ipagkaloob sa amin ng Diyos ang mga biyayang iginagawad mo sa mga tunay na mawilihin sa iyo, at ang bukod naninanasa namin sa pagsisiyam na ito, kung mauukol sa lalong lalo na sa
malaking kaluwalhatian ng Diyos, sa kapurihan mo at sa kagalinganng mga kaluluwa namin. Amen.
PAANYAYA PARA SA LAHAT
Pagsisimula ng Novena para kay San Jose. Ika-22 ng Abril 2023 hanggang ika-30 ng Abril. Ito na ang unang araw para kay San Jose. Sa darating na ika-22 ng Abril (mamaya) sa ganap na alas quatro (4) ng hapon ay magkakaroon ng novena para sa ating Mahal na Patron San Jose, Manggagawa.
PAGSISIYAM PARA SA MINAMAHAL NA PATRON SAN JOSE MANGGAGAWA💚
Mga Kapatid,
Inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa siyam na araw ng pagnonobena bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ng ating minamahal na Patron San Jose Manggagawa.
📅 Petsa: Abril 22–30, 2025
🕖 Oras: 4:00 PM
Sa loob ng siyam na araw ng pananalangin, tayo'y magkaisa sa pananampalataya at pagninilay upang hingin ang tulong at pamamagitan ni San Jose sa ating mga buhay, pamilya, at komunidad.