06/02/2025
ππππ‘π π ππ πππππ§ππ¦ π¦π πππ₯π π π‘π π£π¨π ππ₯π π π¦π ππ π£πππππ ππ‘π§ πππππ‘ πππ¬ π©π£ π¦ππ₯π ππ¨π§ππ₯π§π, πππ‘ππ§πππ’π¦
WALANG UTANG NA LOOB. Ganito inilarawan ng ilang netizens ang pitong kongresista mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos nilang lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga mambabatas na pumirma sa reklamo ang mga sumusunod:
1. Lanao del Sur 2nd District β Cong. Yasser Balindong
2. Lanao del Sur 1st District β Cong. Zia Alonto Adiong
3. Maguindanao del Sur β Rep. Mohamad Paglas
4. Sulu 2nd District β Rep. Munir Abison
5. Maguindanao del Norte with Cotabato City β Rep. Bai Dimple Mastura
6. Sulu 1st District β Rep. Samier Tan
7. Tawi-Tawi β Rep. Dimzar Sali
Ayon sa ilang netizens, tila hindi kinilala ng mga naturang kongresista ang naging suporta ng pamilya Duterte sa Bangsamoro, lalo na sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May ilan ding nagsabi na umanoβy nasilaw ang mga kongresista sa ipinangakong pondo mula kay House Speaker Martin Romualdez kapalit ng kanilang suporta sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Samantala, hindi natalakay sa Senado ang articles of impeachment laban kay VP Duterte, at nag-adjourn na rin ang plenary session hanggang June 2, 2025.