
21/07/2025
MARIKINA RIVER UPDATE: Bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga at kasalukuyang nasa 17.8 meters.
Dahil dito, ibinaba na sa Second Alarm ang flood alert sa lungsod.
Sa ilalim ng Second Alarm, inabisuhan pa rin ang mga residente sa mga low-lying areas na maging alerto at maghanda sakaling lumala muli ang sitwasyon dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.