16/08/2024
Aba, ambilis ng panahon. Isang taon na din pala nung sumugal tayo sa pag nenegosyo. Nag simula sa 30pcs, benta pa isa isa hanggang yung 30pcs, naging 100, 200, at ngyon halos libo libo na kada linggo/buwan.
Naalala ko nuon yung kaba, na susugal ka ng 11.5k para sa negosyo. Hindi ko alam kung may bibili, kaya inisip ko ako nalang ang hihipak 😅
Sa una mahirap, nakakahiya. Pinagtatawanan ka, kung ano ano sinasabe sayo. Pero kapalan lang ng mukha at taong mag tuturo lang pala sayo ang kailangan.
Maswerte din ako nuon dahil yung mga kaibigan ko, kababata, at ka officemate ay sinupportahan ako. 🥹Saakin sila bumili kahit paisa isa, hanggang ngyon yung iba tuloy tuloy padin.
Maging mga taong hindi ko kilala ay naniniwala at sinusuportahan na ako ngyon.
Sa totoo lang hindi pa naman malaki ang kinikita natin kumpara sa ibang nasa industriya. Pero small progress is still progress at ang importante ay patas tayo 💯. Panalo kapa din kesa hindi ka nag simula.
Totoo pala yung “earning 20k a month seems impossible (to some people), until you meet someone who earns 20k a day”
Nung naranasan natin to (mga ilang beses din yun), nag iba ang pananaw natin. Saan pa kaya tayo nito dadalhin?
Maraming salamat sa mga sumuporta, nagturo, nag tiwala sakin. 🙏🏻