31/10/2025
Oh ano na.. sabi ko sa inyo ituloy na natin to! Looking for sponsors. Pero ang labanan ay kilitian sa paa.
SUNDAY EDITORIAL 📰 — For the past couple of years, bigla akong namulat na kahit sa camping, may mga isyu rin pala—away, intriga, at kung anu-ano pa. Parang ‘yung sa ibang libangan din—freediving, beyblade, etc. HAHA. Mga tao nga naman, parang hindi mabubuo ang isang komunidad kung walang gulo. Pero baka nga gano’n talaga—may kanya-kanyang pinaglalaban 💪
Base sa aking observation, iilan lang naman ’yon—hindi lahat. Marami pa rin ang simple lang ang hanap: malinis na hangin, ilog, at masarap na pagkain. Payapa lang. 🌿
So WHAT IF… gawa tayo ng event para i-settle ang differences once and for all? May tag team, cage match, hardcore, at royal rumble. 🤼 Masaya ’yon! HAHA🤣
Syempre “EME” lang ‘to—at the end of the day, camping and overlanding should be about compromise, respect, growth, and understanding. Let’s focus sa sarili nating linya, and how we can do our part for nature. Let’s protect what brought us all here in the first place.
Mapagpalang Sunday sa lahat 🙏
Ingat sa biyahe, ingat sa puso 💕
“Peace is not the absence of conflict, but the courage to face it without becoming the darkness.”