15/11/2025
May panahon na naalala ko yung childhood ko. Isang araw, naalala ko every year end may family reunion kami. Umuuwi kami ng probinsya. Natutuwa sila sakin, sobrang puti ko kasi nung bata ako at energetic that time around 6 or 7 years old ako noon. Mahilig din ako bihisan ng nanay ko ng gown tapos naka pig tail.
Meron akong palaging naalala, may isang beses, ayokong humiwalay sa nanay ko. Palagi lang akong naka kalong sa kanya. Nung makatulog ako, dinala nya ako sa kwarto para diretso na ako makatulog. Nasa bahay nga pala kami ng kamag anak namin.
Maya maya, na alimpungatan ako. Nararamdaman ko, may naglalaro ng bibig ko. Hin*h*lik*n na pala ako. Tapos, ramdam ko yung kamay nya sa dibdib ko. Bigla akong nagising may nakita akong palabas at likod lang nya ang nakita ko.
Hindi ako nag salita o nag sumbong sa nangyari sakin, sobrang musmos ko nung panahon na yun.
Hindi ko alam, pero hanggang ngayon naalala ko yung event na yun nung bata ako. Ang hirap pala ano? Hindi ako aware sa mga ganung pangyayari kaya akala ko, normal lang yun.
Kung pwede lang bumalik sa panahon na yun, at iligtas ang sarili ko ginawa ko na...