
18/07/2025
BAGONG URI NG BAKTERYA NATUKLASAN SA ZAMBALES NG MGA RESEARCHERS NG UP DILIMAN
Isang grupo ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Diliman ang nakatuklas ng isang bagong species ng bakterya sa P**n Bato Spring, Zambales. Ang bagong tuklas ay pinangalanang Lysinibacillus zambalensis.
Pinangunahan ng mga mananaliksik mula sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (NIMBB) at National Institute of Geological Sciences (NIGS) ang pag-aaral, kabilang sina Joyce Amarachi Aja, Lawrence Dave Llorin, Erwin John Sioson, Dr. Ron Leonard Dy, Dr. Jose Enrico Lazaro, at Dr. Carlo Arcilla.
Ayon sa kanilang pag-aaral, gamit ang DNA analysis, metabolic profiling, at chemotaxonomic analysis, natuklasan na ang bagong species ay kabilang sa genus na Lysinibacillus—isang grupo ng bakterya na kinikilalang may potensyal na lumikha ng bioactive metabolites na mahalaga sa medisina at agham.
Natuklasan din sa kanilang genome analysis ang walo (8) na unique biosynthetic gene clusters na may kakayahang lumikha ng mga bagong bioactive compounds, kabilang ang antibiotic peptides. Sa ilalim ng laboratoryong kondisyon, napatunayang ang L. zambalensis ay kayang mabuhay sa 30°C, pH 8.0, at 0.5% salt, at may kakayahang bumuo ng endospores.
Ang bagong tuklas na ito ay nagpapalawak ng kaalaman sa Lysinibacillus at nagbibigay ng mahalagang ambag sa larangan ng bioteknolohiya, lalo na sa pagbuo ng mga bagong gamot at bioactive agents.
BZN