17/07/2025
📣 Real talk: If you're still jobless, it might not be the economy — it might be your SKILLS.
Alam kong masakit pakinggan. Pero minsan, kailangan natin ng totoong usapan.
Lahat tayo may kakilala na matalino, masipag, pero ilang buwan o taon nang walang trabaho.
Ang sinisisi?
🗯️ "Wala kasing hiring ngayon."
🗯️ "May backer-backer kasi diyan."
🗯️ "Hindi kasi ako lucky gaya nila."
Pero minsan, hindi swerte ang kulang.
SKILLS ang kulang.
At sa panahon ngayon — lalo na sa online world — SKILLS ang pera.
💻 Gusto mo magka-trabaho?
Hindi sapat ang diploma. Hindi sapat ang “hardworking” sa resume.
Tanungin mo sarili mo:
✅ Marunong ba akong gumawa ng basic admin tasks?
✅ Kaya ko bang sumagot ng emails professionally?
✅ Marunong ba akong gumamit ng Google Docs, Zoom, Canva, ChatGPT, o kahit Calendar?
Kung hindi pa — good news. Pwede mo siyang matutunan.
Libre sa YouTube.
May courses na murang-mura.
May communities na handang tumulong.
📌 Reality check:
❌ Hindi mo kontrolado ang job market.
❌ Hindi mo kontrolado ang economy.
✅ Pero kontrolado mo kung anong skills ang aaralin mo ngayon.
Hindi siya madali. Pero possible.
So kung wala ka pang trabaho ngayon, huwag mawalan ng pag-asa.
Pero huwag ka ring umasa lang.
Gumalaw. Mag-aral. Mag-upskill.
Ang dami nang Pilipinong kumikita from home — hindi dahil swerte sila, kundi dahil sineryoso nila ang skills nila.
🙏 Hindi ito pambabash.
Ito'y paalala: May pag-asa pa — kung kikilos ka.
📣 Kung gusto mo ng idea kung anong skills ang in-demand ngayon, comment ka lang ng “SAMA AKO” sa post na ‘to. Baka makatulong ako.
Let’s grow together. Walang iwanan. 💪🇵🇭