09/10/2025
GABAY PARA SA MGA MOTORISTA KAPAG MAY LINDOL
Habang Nagmamaneho Kapag Naramdaman ang Lindol
Panatilihin ang kalma.
Iwasan ang biglang preno o mabilis na liko na maaaring magdulot ng aksidente.
Dahan-dahang ihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.
Piliin ang malayo sa mga gusali, tulay, puno, poste, billboard, o overpass.
I-activate ang hazard lights.
Ito ay magsisilbing babala sa ibang motorista.
Huwag agad bumaba ng sasakyan.
Manatili sa loob habang umiindayog ang lupa — mas ligtas ang loob ng sasakyan laban sa mga nahuhulog na debris.
Iwasan ang pagdaan sa mga tulay, tunnel, o flyover.
Maaaring magkaroon ng structural damage o gumuho ang mga ito.
Pagkatapos ng Lindol
I-assess ang paligid bago umalis.
Tiyaking ligtas na ang daan at walang bumagsak o gumuhong istruktura.
Makinig sa balita sa radyo o sa mobile alerts.
PHIVOLCS, NDRRMC, at lokal na pamahalaan ang magbibigay ng update tungkol sa posibleng aftershocks, landslide, o road closure.
Iwasang magmadali.
Huwag dumaan sa mga sirang kalsada o lugar na may bitak sa lupa.
Kung nasa baybayin at malakas ang lindol, agad lumayo sa dagat.
Maaaring magkaroon ng tsunami. Tumungo sa mataas na lugar.
Tumulong sa iba kung kaya.
Kung may nasirang sasakyan o nasaktan, magbigay-alam sa mga awtoridad at huwag harangin ang mga emergency vehicles.
Tandaan:
Ang pinakamahalaga ay kaligtasan, hindi bilis ng biyahe.
Kung may duda sa kondisyon ng daan o tulay, huwag ipilit ang pagdaan.
Laging maging alerto sa aftershocks at mga anunsyo ng PHIVOLCS o NDRRMC.
As earthquakes of devastating intensity become more frequent, it is better to be prepared, especially on what to do when driving during a tremor. Below are reminders to stay safe while driving during an earthquake: Before an Earthquake Keep your vehicle in good condition.Regularly check the brakes,....