
28/06/2025
Dahil sa mga ganito Influencer at mindset. I know someone close to me. buong buhay nya binuhos nya sa pagtatarabaho para mabuhay, mapalaki ng maayos at magpaaral ang anak nya (Responsibilidad sabi nga nila and I AGREE) naging senior citizen un kakilala ko, wala naitabi sa pag tanda nya dahil lahat binigay nya sa anak nya. nakapag work ang anak nya humiwalay ng bahay at hinde na tumulong sa magulang dahil nga namulat sya sa sinasabi ng mga influencer at may ganito mindset na "walang responsibilidad ang anak sa magulang"
ang ending yun magulang, wala naipon dahil ng kalakasan at kabataan nya binigay lahat sa anak., lalo na hinde naman ganon at kasapat ang kinikita kompara sa mga naging sikat na artista, singer, vlogger o pulitiko mga may mala tubigan pera gamit ang pondo ng bayan.
Yun magulang. nakikitira kung kani kanino, problema ang araw araw kung saan kukuha ng pagkain, wala maipambili ng gamot. wala kakayahan sustentuhan ang sarili nya gustohin man nya magtrabaho sino nga ba ang tatanggap sa kanya?
madaling magsalita kapag wala ka pa sa sitwasyon, pero pag naranasan mo na mismo duon mo mararanasan ang sakit! Oh Diba? Literal na ito mga ganito mindset na tinatanim ng mga Influencer Sadya nakaka P*TANG INA!
Ang kultura Pinoy may pagpapahalaga sa Pamilya, pinalake at hinubog mula pagkabata para hinde lang mabuhay para sa sarili nila kung hinde para pagmalasakitan ang mga taong humubog, nagpahalaga, nagmalasakit at nagmahal sa kanila. wag ninyo baguhin ang mindset ng tao na sa murang edad alam na pagdating ng panahon ay kailangan nila tulungan ang mga taong wala na kakayahan mabuhay ayon sa basic na pangangailangan at nag ambag sa buhay na meron sila ngayon!
Hirap kase ngayon lahat na lang tama binabaluktot at lahat ng baluktot na katwiran binibigyan ng hustisya at logical n dahilan.
Expected ko na ma babash na naman ako nito, magagalit at may mag rereport na naman ng page at youtube acct ko. pero GO lang. demonetized na nga dahil sa pagkontra ko sa baluktot na katwiran na ginagawang tama ng mga pilit gumagaya sa mga taga KANLURAN!