17/09/2025
Minsan iniisip ko, “di niya alam yung hirap ko.”
Pero nare-realize ko rin… ako rin, hindi ko alam yung hirap niya.
Ako, buong araw nasa bahay, asikaso ng anak, ng walang katapusang gawaing bahay, magtuturo, handle ng tantrums, gumagawa din ng paraan para kumita.
Siya, buong araw wala sa bahay, namimiss yung milestones, iniisip yung bills, at pasan yung bigat ng pagiging provider.
Magkaiba kami ng laban.
Magkaiba ng pagod.
Pero parehong mabigat. Parehong valid. Parehong deserve ng respeto.
At the end of the day, hindi naman ako vs. siya.
Kami ‘to—partners.
Building this life together, para sa mga anak namin 🤎