04/06/2026
Hi Pa, kamusta ka na jan? sure akong kitang kita mo jan sa taas lahat ng mga pang mamaltrato, pang aabuso, pang haharrass na ginagawa nila samin dito. Grabe no? nakuha na nga nilang lahat sayo. Pati ba naman natitirang bahay na iniwan mo para saamin, gusto pa rin nilang solohin at kamkamin.
Pati itong nag iisang bahay na iniwan mo, kung saan mo binuo yung pamilyang pinapangarap mo, gusto nilang pakinabangan at pag kakitaan para sa sari sarili nilang interest. Ngayon naiintindihan ko na lahat lahat yung mga sinasabi mo saking tiniis at sinapit mo mula sa masasamang tao. Gets ko na rin kung bakit ka may galit na nabuo sayo sakanila. Malinaw na lahat sakin Papa.
Imagine niloko ka ng ilang beses, nag patawad ka ng paulit ulit. lahat na ng adjustment ginawa mo mabuo lang pamilya, pero hindi pa rin yun naging enough. hindi pa rin sila nakuntento. Grabe pagiging gahaman.
Tama ka nga Papa. Tama lahat ng mga sinabi mo samin nung nabubuhay ka pa. At kahit nga naman din noong buhay ka, niloloko at dinudugas ka na. what more ngayong wala ka na. Mas malala pa pala kung paano nila kamkamin at pag kakitaan lahat ng iniwan at pinag hirapan mo mag mula nung nawala ka.
Binigyan mo ng pag kakataon mabuhay ng maayos sa mundo pero bandang huli tatraydorin ka pa rin. ni konting respeto na lang wala pa.
Alam ko nakikita mo rin ngayon kung gaano sila kasama saamin nila Mommy. Yung kaisa isa mong anak na mahal na mahal mo, binubully at pinag tutulungan nilang lahat. Ikaw na bahala Papa. Dahil alam ko na kung nandito ka pa rin sana ngayon, hindi mo hahayaan na ginaganito nila kami. Ever since ikaw na ang taga pag tanggol namin nila Mommy at ng mga kapatid ko. Miss na miss na miss na kita Papa!!
Promise ko, lalaban ako hanggang huli. Para sayo at sa hustisya mo. Huwag mo kami pababayaan Papa ha at gabayan mo lang kami palagi ni Mommy.