Food Leyf

Food Leyf Chillin’, mindin’ my own lane🤟🏻

Honest Review (Part 4)⭐ 10/10 ⭐• As a cookie lover, masasabi kong ito na ang dabest na cookies na natikman ko! Real talk...
19/09/2025

Honest Review (Part 4)

⭐ 10/10 ⭐

• As a cookie lover, masasabi kong ito na ang dabest na cookies na natikman ko! Real talk, walang halong biro.
• Malambot, chewy, tamang tamis — hindi ko na ma-describe sa sobrang sarap, basta sulit na sulit!
• Legit, isang cookie lang busog ka na!
• Plus points: May parking, available for dine-in, take-out, and delivery. Saan ka pa 😉
• May drinks, crinkles, at tiramisu din sila. Yung tiramisu? Overload sa sarap — hindi ka magsisisi!

Babalik-balikan, kakaiba, at super busolve! Highly recommended sa mga cookie lovers! Next time, itatry pa natin yung iba pa nilang sweets 😍😍

➡️ Bakit 10/10?
Hindi tinipid, sakto ang presyo. Kahit malayo ka, abot pa rin dahil may delivery via Lalamove or Foodpanda basta nasa Metro Manila ka. Staff? Mababait at approachable. Store? Malinis at maaliwalas. Wala na akong masabi — perfect talaga!

📍 Tandang Sora, Quezon City

Kung gusto niyo ng sulit at masarap na sweets, tara na sa Evanna’s Sweets! Ley’s go! ✨

Honest Review (Part 3)⭐ 7/10 ⭐• 🌅 Maganda ang view, mababait at approachable ang staff. One time, kulang ang sukli ko pe...
17/09/2025

Honest Review (Part 3)

⭐ 7/10 ⭐

• 🌅 Maganda ang view, mababait at approachable ang staff. One time, kulang ang sukli ko pero perfect sila kasi nirefund agad — ang taray diba!
• 🥤 Masarap ang drinks at very affordable, pangmasa talaga. Kahit student, kayang-kaya.
• 😋 Pang-cravings? Keri na!
• 🍽️ Spacious ang place, pwede for dine-in.
• 🚗 Parking? Hindi ka mauubusan, based on our visits.

Downside:
Medyo magulo minsan ang lasa 😅 hindi consistent o hindi tugma sa name. Example, dati nag-order kami ng Lychee Fruit Tea at sobrang sarap — kaya lagi naming binabalikan. Pero simula noong naiba ang lasa, hindi ko na siya bet. Ending: Brosty na palagi ang order ng ferson.

Ngayon kasi parang may water-based option sila na nag-iiba depende sa recipe. Not sure lang ah — baka ako lang naman ang di updated sa changes nila. Sa Spanish Latte naman, parang may caramel syrup kaya nakakalito kung ano ba talaga siya. At yung Mango Brosty — grabe, sobrang tamis, sakit sa ewan HAHAHA.

✨ Until now, Brosty-lover pa rin ako — pero Lychee flavor lang talaga. Doon kasi nami-meet yung expectation ko. Alam ko naman na pangmasa yung presyo nila, pero siyempre, preference ko pa rin ang basehan ko.

Pero overall, okay pa rin siya 😊

➡️ Bakit 7/10?
Kasi gaya ng lagi kong sinasabi, I know businesses can do better. Kaya lang sana mas consistent ang lasa at mas tugma sa pangalan ng drinks. Pero ayon, personal preference ko lang naman yun. Siyempre, iba-iba rin tayo ng panlasa.

📍 Philsin Road, Teresa, Rizal

Kung gusto nyo ng affordable drinks na may chill ambiance, tara na sa Big Brew! Ley’s go! ✨

Honest Review (Part 2)⭐ 7/10 ⭐• Masasarap ang flavors ng meat for ₱199! Affordable na, cravings satisfied pa!• Warm and ...
15/09/2025

Honest Review (Part 2)

⭐ 7/10 ⭐
• Masasarap ang flavors ng meat for ₱199! Affordable na, cravings satisfied pa!
• Warm and welcoming ang staff — ramdam mo talaga ang pagiging customer-friendly nila.
• Sulit na sulit para sa mga nagtitipid pero gustong-gusto ng samgyup.
• Winner ang sauce ng potato marbles! (Di ko bet yung mismong potato, pero sabi ng mga kasama ko, masarap daw talaga.)
• Fresh lagi ang lettuce — baby lettuce pa, kaya plus points! ☺️
• Downside: medyo madumi yung table kahit nalinis na, kaya kailangan pa namin mag-wipes palagi.
• CR is okay daw sabi ng mga kasama ko, maayos naman.
• Nasa 3rd floor sila — so good luck kung gutom na gutom ka, hahahaha! 🥲😅
• Parking? Hindi ka mauubusan, based on our visits.

➡️ Bakit 7/10? Gusto ko lang sana na mas malinis talaga yung tables. Para kahit hindi na kami mag-double cleanse or mag-jacket, comfortable pa rin kumain. I believe kaya naman siguro nilang ayusin pa.

📍 The Bridgehead Building, 3rd Floor, Teresa, Rizal

Ayon lang for now! Kung taga-Morong or Teresa ka, tara na, Ley’s go!

Honest Review (Part 1) ⭐ 9/10 ⭐ • Hindi ako mahilig sa sushi pero waffle lover ako kaya plus points talaga yung unli waf...
13/09/2025

Honest Review (Part 1)

⭐ 9/10 ⭐
• Hindi ako mahilig sa sushi pero waffle lover ako kaya plus points talaga yung unli waffle 🧇
• Mababait ang staff, very friendly and accommodating 😊
• Base sa sister kong nagmukbang ng sushi, fresh at masasarap ang sushi nila 🍣
• Natikman ko yung nigiri version and wow, authentic taste! Walang kalasa sa ibang restau 👌
• Sulit dahil may unli shabu-shabu 🍲 at rice 🍚 Perfect lalo na kapag may kids (5 yrs old & below / below 3ft = FREE!)
• Very aesthetic vibes ✨ clean & air-conditioned 💨
• May unli drinks 🥤 and freshly cooked side dishes 🥟
• Malinis ang comfort room 🚻
• Mabilis hanapin sa maps kahit motor taxi or Grab 🛵📍

> 9/10 coz I believe everything has room for improvement and I’m sure they can level up even more!

📍 Sushi Marami Buffet Unlimited Eat-All-You-Can
R8 2nd Floor, Eton Tower, Makati

You’re the reason there’s no whisky anywhere inside my house.Back in 2023, I was diagnosed with gallbladder stones at th...
30/08/2025

You’re the reason there’s no whisky anywhere inside my house.

Back in 2023, I was diagnosed with gallbladder stones at the age of 20. Turning 21 pa lang ako that time, and one month before my birthday, grabe na yung sakit — I was rushed to the ER kasi wala nang effect lahat ng first aid na binigay ng doctor ko online.

On duty pa ako as SME sa BPO noon, work-from-home lang kaya sa MS Teams lang ako nakapagpaalam. While waiting for my lab results, I was overthinking about my pending tasks at work. I kept praying na sana simpleng indigestion lang siya. Pero after multiple lab tests and pain relievers, I was told I needed to see a surgeon. Kinabahan ako — bakit agad surgeon? Then the surgeon told me na kailangan na raw akong hanapan ng room to schedule surgery. As in gulat na gulat ako. I couldn’t process anything, so I said I’d ask my guardian first. Kahit over 18 na talaga ako that time HAHAHA.

Fast forward to February 2024. After months of hospital trips and check-ups, a doctor told me that my gallstones could drop to my intestines anytime. Worst case? Dalawang operasyon, with a 50-50 chance. I couldn’t wrap my head around it. Hirap tanggapin, pero wala nang choice.

Operation day came. Nakafasting, nakahiga, and then morning na, I remember staring at all the tools they’d use on me. Still, hindi nagsisink-in na mawawalan ako ng organ at 21. OA siguro pakinggan, pero naisip ko pa noon — “PWD na ba ako after this?” HAHAHAHAHAH grabe talaga ang utak ko 😭

Surgery went through. After 3-4 days, groggy pa ako, nakadiaper, hindi makaupo nang maayos, pero pinapalakad na ako. Then sinabihan na kailangan ko nang ma-discharge kasi baka magka-complications pa ako due to family history of asthma. Ang bilis ng lahat.

That moment became my wake-up call. Here are the lessons I learned the hard way:
1. Lahat ng sobra ay masama. Life is short, yes, pero always set limits. Prevention is better than cure.
2. Cut your bad habits one at a time. Start now, not tomorrow. Bad lifestyle and eating habits won’t show their effects right away, pero as time goes by, you’ll start to understand the consequences of those habits.
3. Save for yourself. Emergency funds are a must. If you’re the family’s backup, paano kapag ikaw na yung mangailangan?
4. Health first. Work will always be there. Your body won’t. Don’t wait until your body forces you to rest.
5. Invest in yourself. Kung may nararamdaman ka, pa-check up. Better to be sure than sorry. Healthcare system here is tough, kaya kung kaya mo, invest in your physical, mental, emotional, and financial health.

This whole journey taught me to start early. Do what you can, while you can.

Wala lang, nashare ko lang siya out of nowhere kase narinig ko yung line na “you’re the reason why there’s no whisky anywhere inside my house” and remembered everything I’ve learned — and the reason why there’s literally no whisky in my house. PS: hindi ako alak na alak na ferson ha! Mahilig lang ako sa maalat, fatty foods, fried, at occasional lang naman ako uminom. Pero aminado ako — hindi ako tumitigil hangga’t hindi ako tulog HAHAHA.

Sorry if this story feels off-brand for my page, pero hey — this is still Food Leyf sharing a slice of life. Pake niyo ba? Char! 🤣 Have a nice weekend and God bless us all 🫰🏼❤️

20/08/2025

Patukaan, bigas, cat and dog food🫶

19/08/2025

Life when I’m offline: small businesses, part-time WFH, and peace 🤟🏻

Nothing beats a hot, hearty bowl of hotpot with all your favorites! 🥢🫕Fresh meats, seafood, and veggies — ready to enjoy...
06/08/2025

Nothing beats a hot, hearty bowl of hotpot with all your favorites! 🥢🫕
Fresh meats, seafood, and veggies — ready to enjoy at Yummy MA LA POT.

Perfect for satisfying your cravings any day of the week! ✨

📍 Level 2, East Wing, SM City East Ortigas

Yummy Dumplings
EML Digital Marketing Services

Looking for an optical clinic that puts customers first? 🤗Come visit Santos Optical! 👓💖📍 536 Quezon Blvd, Quiapo, Manila...
03/08/2025

Looking for an optical clinic that puts customers first? 🤗
Come visit Santos Optical! 👓💖
📍 536 Quezon Blvd, Quiapo, Manila
(Landmark: 5&2 Coffee ☕️)

✨ They’ve got a BUY 2, TAKE 1 promo on eyeglasses!
📍And with many branches available, you can check which one is closest to you! 🗺️

Plus, they have a partner eye hospital in Paso de Blas, Valenzuela City
🧭 Google Maps: https://maps.app.goo.gl/2xjFMg5enYZfJraz9

👩‍⚕️ All Santos Optical patients get FREE ophthalmologist consultation (worth ₱1,000!)
Covers the following:
✅ Eye disease
✅ Glaucoma
✅ Cataract
✅ Eye emergencies & injuries

🛡 10-day lens warranty – if you’re not comfortable, they’ll replace the lenses for you!
🛠 2-year frame warranty – if your frame breaks, they’ll fix it for free! 💯

Their main goal? Clear vision and happy customers! 🥰
At Santos Optical, you’re always the priority.

So what are you waiting for? Ley’s go to Santos Optical! 👀💕✨

EML Digital Marketing Services

✨ Chill ang ambiance, ang ganda ng vibe sa loob! Perfect for bonding or special celebrations 🥰🍽️ The food is giving, hin...
18/07/2025

✨ Chill ang ambiance, ang ganda ng vibe sa loob! Perfect for bonding or special celebrations 🥰

🍽️ The food is giving, hindi ka uuwi nang gutom. Swear! Ang daming choices, as in super dami! May classic Filipino dishes 🇵🇭, pastries & desserts 🍰, at Chinese food like dumplings 🥟 and siopao 🥯

👀 May live kitchen din sila kaya makikita mo kung paano nila piniprepare yung mga food. Fresh and hot, so love it! 🔥

🍦Favorite ko talaga yung ice cream crepe nila 😭 pero hindi ko na napicturan… sobrang excited ko na kase eh haha!

📲 For promos and rates, visit their official page: Food Club, Fisher Mall Quezon City
📍2nd Floor, Fisher Mall (Quezon Avenue corner Fernando Poe Jr. Avenue), Quezon City, 1104 Metro Manila

Tara na, ley’s go 🤟🏻

Address

Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Food Leyf posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share