05/01/2026
Kung may katrabaho kang feeling siya ang may-ari ng kumpanya, tandaan mo ’to:
kahit gaano kakapal ang sipsip, hindi ’yan kapalit ng totoong galing.
Hayaan mo siyang mag-ingay, magpabida, at mag-credit grab.
Ang trabaho mo ay mag-perform, hindi makipagpaligsahan sa insecurity niya.
Hindi lahat ng pabor ng management ay sukatan ng husay.
Minsan, mas magaling lang talaga siya mag-acting.
Keep your receipts.
Document everything.
Speak only when needed.
Dahil kapag natapos ang palakasan,
ang natitira ay output, character, at kung sino talaga ang may ambag.
At tandaan mo:
ang tunay na magaling, hindi kailangang mang-apak.
At ang totoong tagapagmana?
Hindi sumisigaw ng kapangyarihan
Para naman sa empleyadong sipsip na magaling pero nang-aapak ng kapwa:
Magaling ka, oo.
Pero kung kailangan mong mang-apak, manghiya, at magbida sa harap ng boss para lang mapansin—
ibig sabihin, hindi sapat sa’yo ang sarili mong galing.
Ang totoong mahusay,
hindi kailangang mag-ingay.
Hindi kailangang mang-down ng iba para umangat.
At lalong hindi kailangang gawing audience ang management para patunayan ang worth.
Kapag ang tagumpay mo ay nakatayo sa pagkadapa ng iba,
hindi ’yan excellence—
insecurity ’yan na may kasamang ego.
Magaling ka nga,
pero kulang ka sa character development.
At sa totoong mundo ng trabaho,
skills can get you noticed—but character decides how long you stay respected.
Hindi lahat ng pinapalakpakan ay hinahangaan.
At hindi lahat ng paborito ay pinagkakatiwalaan.
Kung kailangan mong mang-apak para magmukhang magaling,
baka oras na para tanungin ang sarili mo kung magaling ka nga ba talaga o isa ka lang lintang bida bida?. 😆😝