25/07/2025
๐๐๐๐๐ | ๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ '๐๐๐?
Nararamdaman mo ba ang mga multong humihila sayo? Mga multo ng nakaraan na hindi mo kayang pigilan. Mga multong nais ay hustisya ngunit hindi mo na kayang lumaban.
Kailan pa nakak**atay ang katotohanan?
Kailan pa makakakalaya sa multo ng katahimikan?
Naaalala mo ba lahat ng tanong sa iyong isipan? Naaalala mo pa ba ang mga panahong nais mong magsalita ngunit pinili mong manahimik kahit may nangangailan dahil sa takot, husga, at walang sawang kaguluhan?
Marami tayong nais ipahatid, ngunit nanganganib ang katotohanan kapag may katahimikan. Marami sa ating mga estudyante ang pinili na lamang manahimik dahil sa pagnanais ng payapang buhay. Ngunit papaano ang katotohanan?
Bilang isang mamamahayag, hindi lang isang responsibilidad ang paghahatid ng katotohanan bagkos ito ay isang hangaring maghayag ng walang kinikilingan at walang pinoprotektahan.
Ang kalayaan ay pinangangalagaan ng Artikulo III, Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, na nagsasaad, โWalang batas na ipapasa na naglilimita sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o pamamahayag...โ ibig sabihin walang makakapigil sa atin sa pagsabi ng totoo.
Sino ba naman ang hindi nakaranas matakot? Sino ba naman ang hindi nangatal sa takot na maari kang mamatay sa isang salitang iyong inilabas? Lahat tayo nakaranas nyan.
Sa 2024 World Press Freedom Index, pumangatlo ang Pilipinas sa ika-147 na pwesto mula sa 180 bansaโisang nakakabahalang senyales kung gaano pa rin kapanganib ang malayang pagbabalita. Noong 2021, nasa ika-138 ang bansa, bumaba sa ika-147 noong 2024. Ngunit Ipinapakita pa din nito ang lumalalang sitwasyon ng press freedom. Patuloy pa rin na namamayagpag ang harassment, red tagging, at pananakot sa mga mamahayag sa bawat sulok ng Pilipinas
Sa paglaganap ng fake news, ang mga lehitimong mamamahayag ay madalas na binabansagan bilang โbiasโ o โbayaran,โ lalo na sa social media. Nagdudulot ito ng pagbaba ng tiwala ng publiko sa media at pagkakabaha-bahagi ng impormasyon
Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ), ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may mataas na bilang ng mga mamamahayag na pinapatay. Mula 1992 hanggang 2023, mahigit 80 mamamahayag na ang napatay, karamihan ay dahil sa kanilang trabaho
Ngunit ika nga nila "face your fears". Oras na para tumayo, oras na para tumindig sa katotohanan. Sa isang salita na iyong ihahayag, sa bawat katotohanan at panininidigan ay may pag asa na maghahatid ng kapayapaan. Kaya mo, dahil kaya ko, at kaya natin. Meron tayong kalayaan, merong tayong karapatan.
Kaya nating magsalita, magsulat, maglarawan. Walang pipigil sa atin dahil tayo ay mga mamamayan na ninanais ay katotohanan. Sa pagkumpas ng k**ay, sa bawat hawak ng papel, lapis, ballpen, ang tinta nito ay patuloy na magmamarka sa sambayanan.
Sa paglisan ng katahimikan, papasok ang katotohanan. At sa paglisan ng takot, kapayapaan ay hindi na muling lulugmok.
Sulat ni: A. Khudhair