26/07/2025
🦺 Kwento sa Likod ng Helmet – Part 2
“Magkaibigan sa Trabaho, Magkaiba ng Pananaw”
Magkaibigan sina Cardo at Erwin. Pareho silang laborer sa isang construction site. Sanay sila sa hirap, sa init, sa alikabok. Pero ang pinakaayaw nila — yung trabaho sa confined space.
Isang araw, tinawag silang dalawa para magtrabaho sa loob ng isang Confined space area.
"Pre, pasok na tayo. Saglit lang 'to, tapos uwian na," sabi ni Erwin.
Pero napansin ni Cardo na wala silang permit. Wala ring gas test. At ang blower, hindi pa nakaandar.
"Pre, teka lang. Wala pa tayong go signal. Delikado 'to," sagot niya.
"Ay naku, ang dami mong arte. Dati naman, pasok lang tayo kahit walang permit. Bakit ngayon parang nagpapasikat ka?"
Hindi na kumibo si Cardo. Lumapit siya sa Safety Officer at sinabi ang sitwasyon. Nadelay ang trabaho nila ng isang oras — pero nasigurong ligtas ang lugar bago sila pumasok.
Habang nasa loob sila, biglang nawalan ng hangin ang blower.
Dahil may gas monitor si Cardo, agad nilang napansin ang pagtaas ng reading.
Mabilis silang nailabas ng standby Man/ Hole watcher.
Pagbalik sa barracks, tahimik si Erwin.
"Tol, pasensya ka na. Buti na lang pinigilan mo ako."
Ngumiti si Cardo. "Ayos lang, tol. Sa trabaho, minsan hindi lang lakas ang kailangan — minsan, tapang din para tumanggi kapag hindi ligtas."
---
☑️ DISCLAIMER:
Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang na base sa mga totoong senaryo sa construction industry. Layunin nitong magbigay ng aral at inspirasyon sa mga manggagawa na huwag balewalain ang safety kahit pa ito’y saglit lang o "sanay na tayo." Walang tinutukoy na tunay na tao, kumpanya, o insidente.
—