16/10/2025
Taste of Science: Pagdiriwang ng Agham sa Patnanungan National High School
Oktubre 10, 2025 - Patnanungan National High School
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Science Month, isinagawa sa Patnanungan National High School ang gawaing “Taste of Science” noong Oktubre 10, 2025, sa pangunguna ni Dr. Kareen C. Avecilla. Layunin ng nasabing gawain na maipakita ang kahalagahan ng agham at mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang konsepto nito sa masaya at malikhaing paraan.
Sa gawaing ito, bawat grade level ay gumawa ng kani-kanilang booth o kubo kung saan ipinresenta nila ang iba’t ibang pagkain na may kaugnayan sa agham. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain sa paghahanda at pagpapaliwanag ng mga pagkaing kanilang inihanda, na nagbigay kulay at sigla sa buong selebrasyon.
Naging matagumpay ang “Taste of Science” sa pagpapakita ng talento, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng mga mag-aaral. Ang nasabing aktibidad ay nagbigay inspirasyon upang higit pang mapahalagahan ang agham bilang isang mahalagang bahagi ng pagkatuto at pag-unlad ng bawat estudyante.
✍️Shania D. Legacion |Batang Mamahayag ng Ang Dalampasigan
📸 Ma'am Kareen C. Avecilla