06/08/2025
Tila minahal na ako ng pagkadismaya.
Madalas din maging paboritong bigyan
ng sama ng loob ng iba.
Maging ang aking sarili ay kadalasang pinagmumulan ng sariling sakit.
Sa totoo lang, hindi ko na masukat
ang pagod na aking dinadala,
gayundin ang lungkot na
matagal ko nang pasan.
Nais ko sanang, kahit minsan,
ay pumabor sa akin ang mundo
na sa gitna ng matinding pagod
at pangungulila,
ay ako naman ang panigan nito.
Sana sa susunod na ikot,
Ako naman ang paboran
Ako naman ang panigan ng mundo.